HINDI talaga nadadaan sa laki at tapang ang isang bagay para manalo.
Klasiko naming nakita iyan sa Tala tribe ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown kung saan sa laki at bulto pa lang ng mga katawan ng mga babae at lalaking members nito ay kitang-kita nang lamang sa kanila ang Bulan tribe.
Pero sa unang task pa lang ay kinabog na nila ang huli at pinatunayan nga nilang sa pagsasama-sama ay may pagkakaisa. Bongga ang tandem sa Tala nina Betong at Maey dahil bukod sa comic relief sila, eh, very pleasant din silang panoorin. Hindi sila mga OA.
Kasama nila sa grupo sina Chuckie at Isabel, Angelica at Jackie, Carlo at Arthur at Filo at Ellen laban sa mas malalaking Bulan tribe nina John and Arnold, Stef and Gino, Aifha and Alyssa, Geneva and KC at ang mag-inang Maria Isabel at Mara.
Ang siste kapatid na Ervin, mukhang sa nasabing solid group magmumula ang unang pair na matsutsugi dahil diumano sa kaartehan. Iyan nga ang pares nina Geneva at KC na panay ang reklamo sa mga ipinagagawa sa kanila.
Si Geneva daw ang pabigat sa tandem nila ni KC kaya malamang na kapag hindi na nito na-enjoy ang tasks o kumpetisyon e, siguradong sisibat na lang ito. Tapos may mga nababaliw din sa strategy ni Maria Isabel kaya asahan na raw natin na isang araw ay baka magkagulo na lang bigla ang grupo.
Ilan lamang iyan sa nasaksihan natin sa mga nakaraang episodes ng season 4 ng Survivor Philippines sa GMA TeleBabad hosted by Richard Gutierrez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.