Bong Revilla: Nagsisimula pa lang ang laban! | Bandera

Bong Revilla: Nagsisimula pa lang ang laban!

Cristy Fermin - January 29, 2014 - 03:00 AM


Magkaiba lang ang spelling, pero napapanahon ang mga Bong at Vhong ngayon, nasa gitna sila ng kontrobersiya at sila ang laman ng halos lahat ng mga pahayagan.

Sa mundo ng politika ay wala pang nakaaagaw sa atensiyon ng publiko kay Senador Bong Revilla, Jr., hanggang ngayo’y pinag-uusapan pa rin kahit saan ang nakaraan niyang privilege speech, kapag napuno na nga naman ang salop ay kailangan nang kalusin.

Limang buwan kasi siyang nanahimik, kung ipinanganak si Boy Pick-Up ng politika ay siya naman si Boy Kimkim, nang sumabog na ay napakarami niyang nasagasaan sa matitindi niyang rebelasyon.

Simula kahapon nang alas kuwatro ay ikinarga na sa Showbiz Police ang mahabaan naming panayam sa kanila ni Congresswoman Lani Mercado, mapuso ang nasabing panayam, naglantad ng saloobin ang mag-asawa sa unang pagkakataon tungkol sa pinagdadaanan ng kanilang pamilya ngayon.

Hindi napigilan ni Senador Bong ang pangiliran ng luha, akala raw kasi niya ay sa pelikula at sa komiks lang nangyayari ang ganu’n katinding paghamon, pero nangyayari rin pala ‘yun sa tunay na buhay katulad ng nangyari sa kanya.

Sa kabila ng lahat ng kaganapang ito ay napakaganda pa rin ni Congresswoman Lani, hindi pa rin ito nauumay sa pagbibigay ng masarap na suporta at pang-unawa sa kanyang mister, aminado ang senador na balon ng lakas ng loob ngayon para sa kanya si Congresswoman Lani.

“Hindi pa ito ang katapusan, nagsisimula pa lang ang laban, alam kong marami pa kaming titiisin at kailangang harapin nang magkakahawak-kamay.

Awang-awa na ako sa pamilya ko,” napapailing na pahayag pa ni Senador Bong Revilla, Jr. habang hawak ang kamay ng kanyang misis.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending