Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
8 p.m. San Mig Coffee vs Barangay Ginebra
WALANG itulak-kabigin sa duwelo ng Barangay Ginebra San Miguel at San Mig Coffee sa Game One ng best-of-seven semifinals series ng PLDT myDSL PBA Philippne Cup mamayang alas-8 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kapwa nangailangang magwagi sa sudden-death matches ang Gin Kings at Mixers bago umusad sa semis. Ang Gin Kings, na siyang No. 1 team sa elims at nagtaglay ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals, ay dinaig ng Alaska Milk, 104-97,
upang mapuwersa sa Game Two. Nagwagi ang Gin Kings, 108-95.
Ang San Mig Coffee ay nanalo sa Talk ‘N Text sa Game One, 90-83. Subalit nakabawi ang Tropang Texters sa Game Two, 82-77. Noong Linggo ay winakasan ng Mixers ang paghahari ng Tropang Texters sa Philippine Cup nang sila’y mamayani sa Game Three, 90-82.
One-all ang record ng Gin Kings at Mixers sa elimination round. Nakauna ang Barangay Ginebra, 85-69, noong opening day, Nobyembre 17. Nakabawi ang Mixers, 83-79, noong Enero 5.
“We have to be very disciplined and patient with our offense,” ani Gin Kings coach Renato Agustin. “But of course, we have to tighten up on defense against a solid team like San Mig Coffee.”
Si Agustin ay patuloy na aasa sa kanyang mga higanteng sina Gregory Slaughter at Japeth Aguilar na tutulungan nina Mark Caguioa, LA Tenorio, Chris Ellis at Mac Baracael.
Matapos na ma-eliminate ang Talk ‘N Text na naghahangad sana ng ikaapat na sunod na Philippine Cup title, mataas ang morale ng Mixers na ngayon ay may pag-asang magsubi ng back-to-back na kampeonato dahil sa nagkampeon sila sa nakaaraang Governors’ Cup.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.