Gilas hahataw sa FIBA World | Bandera

Gilas hahataw sa FIBA World

Mike Lee - January 28, 2014 - 03:00 AM


HINDI makukuntento ang Gilas Pilipinas sa paghakbang upang muling bumalik ang kinang ng basketball sa pandaigdigang kompetisyon.

Ito ang ipinagdiinan ni Manny V. Pangilinan nang kanyang tanggapin ang Executive of the Year award sa magarbong Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night noong Sabado ng gabi sa Centennial Hall sa Manila Hotel.

Tinuran ni Pangilinan, ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), na noong 2007 ay nasa no. 65 ang bansa sa FIBA ranking ngunit matapos ang buwan ng Agosto noong nakaraang taon ay umangat ang bansa sa 34th puwesto.

Sa nasabing buwan na ito nakuha ng Gilas Pilipinas ang pilak na medalya sa FIBA Asia Men’s Championship na ginawa sa bansa upang makabalik ang pambansang koponan sa FIBA World Basketball Cup sa taong ito sa Madrid, Spain.

“Remember, excellence is not a destination, which can be reached with just one step. Rather excellence is achieved brick-by-brick, bit-by-bit, step-by-step What is important is to show improvement gradually but consistently on that long and steep road to excellence,” pahayag ni Pangilinan.

Hindi makukuntento ang Gilas at SBP sa naabot dahil gagawin nilang lahat ang lahat ng makakaya para maipagpatuloy ang pagsulong ng Philippine basketball.

Bukod sa World Cup ay lalaro rin ang Gilas sa Asian Games sa Incheon, South Korea ay buo ang loob na kaya nilang dominahin ito matapos ang naabot sa FIBA Asia.

Muling inulit ni MVP ang kanyang pagnanais na makita ang Gilas na manalo sa World Cup at tinokahan pa si coach Chot Reyes na pilitin na ipasok sa Top 16 ang bansa matapos ang torneo.

Mabigat ang adhikain wika ni Pangilinan pero kailangang ganito ang isipin ng lahat at hindi ang sumusuko agad dahil tunay na walang maaabot ang koponan kung ganito ang itatanim sa isipan.

“We cannot approach international competition with an attitude that’s defeatist, or insecure, even if we may know that our chances to be no. 1 or even no. 2 may be slim at this time.

Sports teaches us that we cannot approach competition by assuming at the outset that we will lose, because we will, indeed,” pagdidiin nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending