Bumalik na mula sa Amerika si Ruffa Gutierrez, marami siyang baon-baong kuwento tungkol sa kanyang bakasyon at panonood sa MGM Garden Arena ng katatapos lang na laban ni Pacman, kaya ibibigay namin sa kanya ang pagkakataon.
Pero habang wala pa rito si Ruffa ay may kuwento na idinadamay rin siya ni Nadia Montenegro sa away nito at ng kanyang inang si Tita Annabelle, maraming nabahala du’n dahil siguradong pati si Tito Eddie ay magsasalita na rin kapag ang anak na nila ang nasasaling, dahil wala namang kinalaman si Ruffa sa demandahan ng kanyang mommy at ni Nadia.
Hindi puwedeng kuwestiyunin ni Nadia kung nagsasalita man si Ruffa nang pabor sa kanyang ina, ganu’n din naman ang ginagawang pagtatanggol kay Nadia ng mga anak nito, kaya parehas lang ang laban.
Hindi magpapabaya si Ruffa na basta na lang husgahan si Tita Annabelle, kung paanong pinoprotektahan sila nito ay ganu’n din siyempre ang suportang ibinibigay ng magkakapatid na Gutierrez sa kanilang mommy, maraming kalaban si Nadia sa kontrobersiyang ito.
“Noon pa kasi, sinabi ko na sa mommy ko na huwag nang tanggapin sa agency ang mga anak ni Nadia, but she didn’t listen to me. Nakakaawa raw naman kasi, dahil nakikiusap sa kanya si Nadia, pero what happened after na tulungan niya ang mga anak ni Nadia?” komento ni Ruffa nu’ng idemanda ng dating aktres ang kanyang ina.
Punumpuno ang Paparazzi Showbiz Exposed bukas nang ala una y medya dahil bukod sa mga pasabog na kuwento nina Ruffa, DJ Mo Twister, Dolly Ann Carvajal, Zoren Legaspi at ng inyong kolumnista ay meron pang isang matinding pasabog ang Paparazzi tungkol sa pagkapaslang kay Ramgen Revilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.