Pambubugbog kay Vhong planado; nagulantang sa pag-atake ng 6 na lalaki kaya hindi nakaganti | Bandera

Pambubugbog kay Vhong planado; nagulantang sa pag-atake ng 6 na lalaki kaya hindi nakaganti

Cristy Fermin - January 27, 2014 - 03:00 AM


Nakakalungkot ang nangyari kay Vhong Navarro. Kung kilala namin ang actor-dancer-TV host bilang lalaking walang respeto sa mga kababaihan ay hindi na kami magugulat sa pagkakabugbog sa kanya.

Pero hindi ganu’n ang imaheng nabuo ni Vhong sa lokal na aliwan, maayos ang kanyang kartada, hindi pa siya minsan man nadadamay sa anumang kaguluhan lalo na tungkol sa pakikipagrelasyon.

Nagkahiwalay sila ni Bianca Lapuz at meron silang isang anak, pero naging magkaibigan din sila pagkatapos ng kanilang paghihiwalay, ginagampanan din niya ang pagiging ama sa kanilang anak.

Ayon sa kuwento ay may nang-imbitang babae kay Vhong sa isang condo unit, nagpunta naman ang actor-TV host, pero pagdating niya du’n ay pinagtulung-tulungan siyang bugbugin ng mga umaktong bisita rin sa lugar.

Sa tingin ng mas nakararami ay pinlano ang pananakit kay Vhong, nasorpresa siya, dahil maraming lalaking nagtulung-tulong para siya saktan at pabagsakin.

Wasak ang mukha ni Vhong, punumpuno rin ng pasa ang kanyang katawan, ikaw ba naman ang pigilan ng isa at kuyugin naman ng mga kasama nito, mabuti nga at tinirhan pa siya ng buhay ng mga walanghiyang nambugbog sa kanya, nasorpresa talaga ang aktor sa senaryong ‘yun.

Wala kasing angas si Vhong, sa kabila ng kanyang popularity ay nananatili siyang marespeto at mapagkumbaba, bakit nga ba ang napapagitna pa sa mga ganitong pangyayari ay mga artistang wala namang kayabang-yabang at angas sa katawan?

Kailangan talagang balikan ng asunto ni Vhong Navarro ang mga nanakit sa kanya, hindi simple ang kanyang pinagdadaanan ngayon, gumaling man ang kanyang mga pasa at sugat ay lagi siyang bibisitahin sa alaala ng mga lalaking ‘yun na nagpaulit-ulit na naghalinhinang mambugbog sa kanya. Isang maagang paggaling para kay Vhong Navarro.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending