I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |January 24,2014
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - January 24, 2014 - 01:28 PM

Mula kay Jorrylen Megabon ng Ormoc. April 24, 1994 ang birthday ko. Ask ko lang kung compatible ba kami ng kasalukuyang boyfriend ko na isinilang nuong September 27, 1986.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 24, 1994 at September 27, 1986 naman ang boyfriend mo,  compatible kayo ng boyfriend mo, pero hindi masyadong “perfect combination.” Sa halip ng higit at talagang mas ka-compatible mo ay silang mga lalaking sinilang sa zodiac sign na Virgo, Libra, Scorpio at Capricorn, na may birth date na 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15, at 24.  Sila ang dapat mong makatuluyan upang magkaroon ka ng isang maligaya, mas maunlad at pang habambuhay na pagpapamilya.

Mula kay Jonabelle Mamites ng Butuan City. December 6, 1990 ang birthday ko. Magiging successful kaya ako sa aking career at profession?
Tugon ni Madam Sophia: Madali lang para maging successful ka o para magtagumpay ka sa iyong career at propesyon, lagi kang magsuot ng kulay na red, pink, violet, lilac, at asul, basta’t ganyang lagi ng kumbinasyon ng kulay ang lagi mong soutin at gamitin, makikita mo, tuloy-tuloy kang magtatagumpay at magiging maligaya sa anong mang career o propesyon na pinagkaka-abalahan mo sa kasalukuyan.   

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending