Pacers ginulat ng Suns | Bandera

Pacers ginulat ng Suns

- January 24, 2014 - 03:00 AM

PHOENIX  — Tila rumesbak si Gerald Green sa dati niyang koponan. Si Green ay umiskor ng 23 puntos para pangunahan ang limang iba pang kakampi na may double digit scores at tulungang gulatin ng Phoenix Suns ang Indiana Pacers, 124-100.

Nagwakas din ang five-game winning streak ng Indiana na nagtamo ng pinakamasaklap na kabiguan sa kasalukuyang season kahapon. Gayunman, hawak pa rin ng Pacers ang best record sa liga (33-8).

Si Green ay naglaro para sa Pacers noong 2012-13 season bago lumipat sa Phoenix. Nagdagdag naman ng 21 puntos si Goran Dragic at 20 puntos si  Markieff Morris para sa Suns.

Si   Paul George ay may 26 puntos para pangunahan ang Pacers.

THUNDER 111, SPURS 105  
Sa San Antonio, patuloy na nag-iinit sa opensa si Kevin Durant. Kahapon ay umiskor siya ng 36 puntos para itulak sa siyam ang kanyang personal streak na may 30 puntos o higit pa sa isang laro.

Sinuportahan siya kahapon nina    Reggie Jackson na may  27 puntos at walong assists at  Serge Ibaka na may  14 puntos, siyam na rebounds at limang blocked shot.

Si Tony Parker ay gumawa naman ng 37 puntos at sina Tim Duncan at Boris Diaw ay kapwa tumira ang 14 puntos para sa Spurs.
Nilisan ni Spurs forward Kawhi Leonard ang laro sa second period matapos na magtamo ng non-displaced fracture sa kanang kamay.

HAWKS 112, MAGIC 109  
Sa Orlando, umiskor ng 24 puntos si Paul Millsap at nag-ambag ng 23 si  Jeff Teague para itulak ang Atlanta sa panalo.
Lumamang ng 19 puntos ang Hawks sa third quarter ngunit naghabol ang Magic sa fourth period.

Kinailangan namang magbuslo ng anim na free throws ang Atlanta sa huling 40 segundo ang laban para masiguro ang panalo.
Ang rookie na si   Victor Oladipo ay gumawa ng 24 puntos, pitong rebounds at pitong assists para sa  Orlando. Ito ang ika-12 kabiguan ng Magic sa huling 13 laro.

RAPTORS 93, MAVERICKS 85  
Sa    Toronto, nagtala ng career-high 40 puntos si DeMar DeRozan at si Greivis Vasquez ay may  17 para sa Raptors na bumawi mula sa dalawang sunod na pagkatalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si    Jonas Valanciunas ay nagdagdag naman ng  12 points at 10 rebounds para sa Raptors na naghabol mula sa 21 puntos na pagkakalubog sa first quarter. Si    Monta Ellis ay  may 21 puntos para sa Mavericks.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending