10-minute Day-Starter fitness exercise
ANG ating physical exercise ngayon ay nakatuon sa STRETCH (2 minutes), POSTURE (6 minutes), BALANCE (2 minutes). Kalimutan muna natin ang pagpapapawis (Aerobic), at pagpapalaki ng mga kalamnan (Muscle Resistance).
Ang pag-inat (Stretching) ay simple lang. Nakaugalian na ng sinoman na mag-inat pagkagising pa lamang.
Ang stretching ay hindi lang tungkol sa muscle kundi pati sa joints o kasu-kasuan. Ang lagi nakakaligtaan ay ang likuran (Back Extension Stretch). Alam mo ba na maaring gawin ang stretching kahit nasa higaan ka pa?
Para sa posture, mag-umpisa ng nakahiga sa kama. Ang PLANK exercise ay gawing pareho na STATIC at DYNAMIC.
Ang mga posisyon ay nakadapa, nakatagilid sa kaliwa at sa kanan, at nakatihaya. Ang layunin ay mai-angat sa kama ang katawan sa pamamagitan ng pagtukod ng braso sa may siko. Kailangan na manatiling diretso ang likuran at tagiliran sa mga paa at ulo. Habang nasa Prone Static Plank, ang iyong mata ay nakatutok sa isang bagay sa harapan mo.
Ang BALANCE ay simple lang gawin. Habang nakahiga sa kama, itaas ang nakainat na mga paa. Habang nakataas ang mga paa, pilitin na maabot ito ng iyong mga daliri hanggang sa mahawakan mo ang iyong mga paa o kahit mga binti lamang.
Sa posisyon na ito, dapat ang balakang lamang ang nakasuporta sa katawan sa kama. Sa umpisa, sapat lang na ang mahawakan ay mga hita, tapos pataas ng pataas papuntang mga binti tapos ang mga paa.
Ang BREATHING EXERCISE ay gagamitin natin na ehersisyo ng ating kaisipan.
Huminga ng malalim, nakapikit ang mga mata at pakinggan lamang ang iyong paghinga. Habang pumapasok ang hangin sa ilong papunta sa baga, isipin mo na pumapasok ang HEALING ENERGY at habang palabas ang hangin sa bibig galing sa baga, isipin mo na itinatapon mo ang mga negatibong pag-iisip at emosyon.
Mas maganda na umpisahan pagkagising ang SPIRITUAL EXERCISE. Anuman ang ating pananampalataya (Relihiyon), ang katotohanan lamang ay ang pangangailangan natin na mapalapit sa Poong Maykapal.
Pagdarasal ang gagawin natin habang humihingi tayo ng biyaya at patnubay para sa buong araw na harinawa ang ating mga desisyon ay naaayon sa kagustuhan ng Panginoon.
Alalahanin na magandang magumisa ng araw na puno ng kapatawaran.
Inaaanyayahan ko kayong lahat na sumali sa BARANGAY KALUSUGAN, ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad ng ating kalusugan. Isulat, i-text, ang inyong mga tanong dito sa Bandera. I-text ang HEAL, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606 o 09277613906.
Sundan sa Facebook at Twitter: [email protected].
Isulat ang inyong mga tanong, karanasan at paniniwala tungkol sa kalusugan, at ibahagi ito sa iba sa pamamagitan ng kolum na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.