GAYA ng ginawa ni dating Pangulong Gloria Arroyo nang kausapin niya si Election commissioner Virgilio Garcillano, dapat din umanong mag-sorry si Pangulong Aquino sa pakikipag-usap niya sa mga senador sa kasagsagan ng impeachment trial ni dating SC chief justice Renato Corona.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate hindi maganda ang ginawang pagkausap ni Aquino kay Sen. Bong Revilla at iba pang mambabatas na siyang judge sa impeachment trial ni Corona.
Sinabi ni Revilla sa kanyang privilege speech na hiniling sa kanya ni Aquino na ibalato na ang pag-impeach kay Corona na tinugunan naman umano niya gagawin niya ang tama.
Katulad umano ito ng ginawa ni Arroyo nang tawagan niya si Garciallano noong 2004 elections.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.