Naka-leave, pero tuloy ang kotribusyon sa PhilHealth | Bandera

Naka-leave, pero tuloy ang kotribusyon sa PhilHealth

Lisa Soriano - January 22, 2014 - 03:00 AM

EMPLEYADO po ako ng isang Engineering firm. Isa po ako sa mga site engineers. Sa kagustuhan ko pong makakuha ng lisensya ko bilang inhinyero, nagdecide po ako na kumuha ng board exam.

Kaya ako po ay nagpaalam sa boss ko na pansamantalang magbabakasyon para ma-bigyan ko ng oras ang pagrereview ko at pagkuha ng board exam.

Kinausap ko po ang boss ko na kung maaari ay isama pa rin ako sa huhulugan ng SSS, PhilHealth at Pag-Ibig kahit ako na lang po ang magbayad ng buo. Subalit hindi po siya pumayag.

Kaya nagdesisyon po ako na magvoluntary contribution na lamang upang di magkaroon ng gap ang mga contributions ko. May tanong po sana ako sa Philhealth.

Bilang isang individual contributor, napag-alaman ko po na dapat ay quarterly ang bayad ng mga individual payors. Paano po kaya ang case ko? Na-stop po akong hulugan ng boss ko ng December 2013. So ang last payment ko po ay November 2013.

Ok lang po ba na ang quarterly ko ay December 2013 – February 2014? Tama po ba ako? At ang deadline ng payment ko ay sa February 28, 2014?

Nais ko po sanang maliwanagan kung tama po ba ang due date ko at months to be paid?
Please help me.
Thanks,
Enrique Moreno
REPLY: G. Moreno:
Pagbati po mula sa Team PhilHealth!

Una po, maraming salamat sa pagliham at sa pagpaparating sa amin ng inyong katanungan.

Bilang tugon po, tama po na habang kayo ay naka-bakasyon o naka-leave, maaari po ka-yong magbayad sa ilalim ng Informal Sector (o dati nating tinatawag na Individually Paying Program) upang maging patuloy ang inyong kontribusyon at maging patuloy din ang entitlement ninyo sa benepisyo kung sakaling gagamitin.

Ang pagbabayad po ng kontribusyon para sa mga nasa Informal Sector ay kada quarter, semi-annual at annual. Sa inyo pong kaso, maaari pa rin po ninyong balikan ang buwan ng Disyembre 2013 nga-yong quarter na ito. Magpakita lamang po ng katunayan (Certification mula sa inyong employer) na kayo ay  ipinagbayad hanggang buwan ng Nobyembre 2013 kapag magbabayad sa aming kahera o PhilHealth cashier.

Samantala, maaari na po ninyong ituloy ang pagbabayad kada quarter, kung ito po ang nais ninyong mode.
Narito po ang mga schedule at ang deadline ng pagbabayad:

PERIOD: Jan- Mar 2014; Apr-June 2014; Jul-Sept. 2014; Oct. -Dec 2014
AMOUNT NG PREMIUM: P600/ quarter
DEADLINE NG PAGBABAYAD: On or before March 31, 2014; on or before June 30, 2014; on or before September 30, 2014; on or before December 31, 2014.

Para po sa ibang katanungan, maaari pong tumawag sa aming Call Center 441-7442 o mag-email sa [email protected].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming
salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending