De Lima kay Duterte: Shut up | Bandera

De Lima kay Duterte: Shut up

- January 21, 2014 - 03:08 PM


PINATATAHIMIK ni Justice Secretary Leila de Lima si Davao city Mayor Rodrigo Duterte matapos akusahan nito ang kalihim na hindi ginagawa ang kanyang tungkulin na kasuhan ang hinihinalang smuggling lord na si David Tan.

Una nang binanatan ni Duterte si De Lima sa kanyang program sa telebisyon na Gikan sa masa, para sa masa, dahil sa hindi nito kayang magsampa ng kaso laban kay Tan.

Anya puro daldal lamang ang ginagawa ni De Lima.  Payo ng alkalde ay tigilan nito ang kadadaldal at gawin na lang ang kanyang trabaho.

Sagot naman ni De Lima sa alkalde: “He wants me to shut up. I think he should be the one to shut up. Everybody is aware that he’s got a lousy mouth.”

Iginiit din ng kalihim na ginagawa ng Department of Justice at maging ng National Bureau of Investigation ang kanilang trabaho.

“Don’t worry Mayor Duterte, we are doing our job and we don’t need a reminder from you…I think, our record will speak for itself,” ani De Lima, sabay giit na ang DOJ ang nagsasabi na si Davidson Bangayan ay siya ring si David Tan.

Samantala, binatikos din ni De Lima ang ginawang utos ni Duterte na shoot to kill laban sa mga smuggler. “Shoot to kill order has no place under our Constitution and our system of law,” dagdag pa ni De Lima.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending