MABILIS na nawala si Matt Evans pagkatapos magpaalam sa presscon ng bagong teleserye ng Angelito Batang Ama. Feeling tuloy ng ilang members of the press umiiwas lang si Matt sa tanong kung ano talaga ang real score sa kanila ni Charee Pineda na leading lady naman ni JM de Guzman bilang si Angelito sa bagong serye ng ABS-CBN.
Marami raw kasi ang nakapansin kina Matt at Charee sa set ng Angelito na sobrang close. May mga pagkakataon pa na nakikita silang lumalabas na magkasama. Baka raw itinatago lang nila ang kanilang relasyon dahil nga si JM ang partner ni Charee sa serye.
Isa pang intriga kay Matt ay ang pagpayag niya na maging support na lamang after ng ilang shows sa ABS-CBN na pinagbidahan niya. Nakaapekto kaya ang pinakahuling eskandalong kinasangkutan niya nu’ng siya’y mabangga habang nagda-drive dahil daw sa kalasingan. Kaya naman support na lang si Matt sa bago niyang show sa Kapamilya network.
Magsisimula na nga pala ang Angelito Batang Ama bukas sa Kapamilya Gold. Kasama rin sa cast ng serye sina Kaye Abad, Tom Rodriguez, Ina Feleo, Felix Roco, Sam Concepcion, Devon Seron, Jason Francisco, Carl John Barrameda, Kyra Custodio, Bianca Casado, Sue Anna Ramirez, Eliza Pineda, Mariel Pamintuan, Lemuel Pelayo, Benj de Guzman, Eslove Briones, Maichel Flores, Joshen Bernardo at Bea Basa. Matutunghayan din dito ang pagbabalik telebisyon nina Ms. Elizabeth Oropesa, Al Tantay, at Ms. Snooky Serna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.