Vice Ganda inaming mahal na mahal ang gwapong miyembro ng G-Force Stallions | Bandera

Vice Ganda inaming mahal na mahal ang gwapong miyembro ng G-Force Stallions

Ervin Santiago - January 20, 2014 - 03:00 AM

FINALLY, nagsalita na rin si Vice Ganda tungkol sa relasyon daw nila ng isa sa mga guwapong miyembro ng G-Force Stallions na si Ram Julianda – totoo raw na mahal niya ang dancer pero hindi pa raw sila umaabot sa pagkakaroon ng espesyal na relasyon.

Sey ni Vice sa isang interview, pinangarap niyang maging dyowa ang hunky dancer pero, hindi naman daw ito natupad,  “Si Ram winish ko pero hindi. Ha-hahaha!”

“Hindi ko naging jowa si Ram. Crush ko siya. I love Ram. Ha-hahaha!  I love Ram ng G-Force Stallions. Talented naman siya at saka ang guwapo. Ang dami niyang fans kaya nga pinilit kong mag-guest sa GGV yung Stallions.

Even before that, nababasa ko sa Twitter ang dami nilang fans talaga na fina-follow sila,” paliwanag ng TV host-comedian.
Hanggang ngayon ay ayaw pa ring sabihin ni Vice ang identity ng kanyang boyfriend, aniya, talagang desisyon niya ang huwag nang isapubliko ang pagkakakilanlan ng nasabing guy dahil gusto niya itong protektahan, pati na rin ang pamilya nito.

Kamakailan nga ay inamin ni Vice na kung minsan ay naiinis na rin siya sa klase ng relasyon nila ng kanyang boyfriend dahil hindi nga sila makagimik sa mga public places, palagi lang daw silang magkasama sa isang lugar kung saan sila lang at ilan nilang malalapit na kaibigan ang nagkakasama-sama.

May sawa factor na rin daw kasi, pero sey ni Vice, wala naman daw siyang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang ganu’n talaga ang tinatawag na pagmamahal at sakripisyo.

Sa kabila nga nito, sinabi niya na hinding-hindi siya titigil sa pagmamahal, “Hindi no, ang sarap sarap kaya magmahal. Hindi naman nakakapagod yun!”

Samantala, tuwang-tuwa naman si Vice sa pagkakapili sa BFF niyang si Anne Curtis bilang bagong Dyesebel na very soon ay mapapanood na sa ABS-CBN.

“Proud ako kay Anne Curtis and she deserves it. At saka nakakatuwa kasi desisyon pala yun ng management. Parang nanggaling sa research or parang survey sa mga tao kung magkakaroon ng Dyesebel sino ang gusto niyo at yung mga tao ang nagsalita na si Anne Curtis kaya deserve na deserve niya yun. I’m so happy for her,” ani Vice.

Marami naman ang nagtatanong kung ngayong taon ay sasabak na rin ba si Vice sa isang teleserye, ayon kasi sa mga fans ng komedyante, gusto nila itong mapanood sa isang bonggang soap para naman hindi na nila kailangang magbayad sa sinehan para tumawa nang tumawa.

O baka pwedeng magkaroon siya ng special role sa Dyesebel.“Gusto ko sana pero ayaw naman nila ibigay. Gusto ko mag-Dyesebel kaso seahorse lang naman daw ako. Ha-hahaha!

Kaya sabi ko huwag na lang. Posible ako mag-guest pero for sure given na yun na sea horse ang role ko. It’s either sea horse or araruset, isa akong algae. Ha-hahaha!

“Gusto ko action comedy. Noon ko pa ni-request yun eh, yung parang medyo may pagka-Fast and the Furious, yung ganun kare-karera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dati yung karera ko kabayo ngayon naman kotse, pero nakakatawa. Kasi para ma-cater ko yung gusto ng mga lalake, gusto ng mga babae, ng mga bakla, ng mga tomboy, para lahat ng market,” sey pa ni Vice.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending