Spotlight: 'Bulagaan' sa Singapore | Bandera

Spotlight: ‘Bulagaan’ sa Singapore

- November 12, 2011 - 03:22 PM

PARA ka lang nanood ng TV sa bahay.
Habang gumigiling ang EB Babes sa stage, batuhan nang batuhan ng mga one-liner sina Tito, Vic and Joey. Tinalbugan naman ni Paolo Ballesteros, na todo-bihis na pambabae bilang Shamcey Mwah Mwah Tsup Tsup, ang mga babaeng host kabilang ang napakandang si Iza Calzado.

Hindi naman nahirapan ang audience warmer na si Philip Lazaro na patayuin ang audience, kabilang si Philippine Ambassador Minda Calaguian-Cruz at gawin ang “Jump Brother” dance.

Gaya nang inaasahan, hagalpakan ang mga tao sa Miss Universe monologue ni Allan K. Hindi naman nagpahuli sina Jose Manalo at Wally Bayola sa kanilang segment na “Juan for All, All for Juan” kung saan imbes na “sugod barangay” ay “sugod silya” ang kanilang ginawa. Hit din sa audience ang “pambansang laro” na “Pinoy Henyo,” na binago nang konti para maka-relate ang mga foreigner sa audience.

Noong Oktubre 30 ay iniwan ng EB Dabarkads ang kanilang comfort zone sa Broadway Centrum sa Quezon City upang mag-perform sa mga Pinoy sa D’Marquee, Pasir Ris, Singapore.

Hindi lang venue ang naiba. Ayon sa isang production staff, naghanda ang buong grupo ng x-rated version ng “Eat Bulaga” para sa Singapore crowd. “[Today] we can crack jokes that we can’t normally do on live noontime TV,” ani Tito Sotto.

“It’s totally unpredictable,” dagdag naman ni Vic Sotto. “We’re free to do anything onstage kasi.”
“We want to offer our kababayans something new,” ayon naman kay Joey de Leon.
Hindi naman bastusan, ani Tito, “just a little naughty.”
Tuwang-tuwa naman ang audience sa medyo “naughty” na jokes ng TVJ.

SOLD OUT
Sold out ang tiket (S$25-S$65) sa venue na kasya ang 3,000 katao, ayon sa promoter ng show na Shadow Inc. Entertainment, na pinangungunahan nina Haro de Guzman, James Ong at JD Gungon.

Mayroong mga Pinoy na lumipad pa mula Hong Kong, Malaysia at Australia para lamang makapanood ng how, ayon sa mga promoters.

Hindi ba sila nag-worry sa estriktong censors sa Singapore? Ani Malou Choa-Fagar, senior vice president at chief operating officer ng Tape Inc., sinabihan niya ang mga promoters na magtanong sa mga awtoridad.

“The jokes in Tagalog were fine, but we had to go easy on the hand gestures. We had to trim Wally and Jose’s routine a bit.”
Tinayming ng grupo ang Singapore show para long Halloween weekend.

Sabi ni Joey na itinaon talaga nila ang show para makapag-bonding ang mga Dabarkads. “It’s not work for us, as we get to relax for a few days,” dagdag naman ni Tito.

Naniniwala si Joey na lalo silang nagiging close kapag magkakasamang lumalabas ng bansa at nararanasan ang “highs and lows of being on the road.”

FOOD TRIP
Mismong si Pauleen Luna ang nag-aayos ng buhok nina Ruby Rodriguez at Julia Clarete. “Para kaming nagkukutuhan  as we did each other’s hair backstage,” sey ni Ruby.

“We don’t earn much from these shows, but we look forward to it because we get to travel as a group,” ayon naman kay Joey, na nagsabing sa Hong Kong naman niya gustong mag-show sa susunod.

Habang nasa Singapore, nag-food trip din ang grupo. Cerified foodies sina Tito at Vic kaya aliw na aliw ang dalawa habang ini-introduce ang mga exotic na pagkain, mula chiken crabs hanggang sa inihaw na pagi sa Hawkers’ Centers, kina Anjo Yllana, Jimmy Santos, Ryan Agoncillo at sa bagong kasal na si Pia Guanio.

Bago umuwi ng Pilipinas ay umangal sina Allan at Jose na lumobo ang kanilang katawan sa ilang araw nila sa Singapore.
Ayon kay Tony Tuveria, big boss ng Tape Inc., mahalaga para sa EB team na bisitahin at bigyang parangal ang mga OFWs sa pamamagitan ng show na kaiba sa madalas na nilang napapanood sa GMA Pinoy TV.

“Most OFWs left the country in the late 1970s and 1980s and they know Tito, Vic and Joey quite well,” aniya. “They’ve been away for years and, with this concert, they get a glimpse of home.”

Sinegundahan naman ito ni Vic: “Aside from vacationing together, we also got to entertain OFWs who worked hard and saved up for tickets to our show.”

KASALI SA JOKE
“It’s our chance to thank them for their support,” dagdag ni Julia.
Updated naman sa mga tsismis sa show biz ang mga OFWs, ayon pa kay Tuvierra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa gitna ng isang song number, biniro ni Joey si Vic na isang playboy. Sumagot naman agad si Vic: “Ako nga ang laging iniiwan. Buti na lang may kapalit na apat. “

Sumabog ang tawanan sa loob ng venue. —Text at photos mula sa Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending