Mark mas naging yummy, mga beki tulo-laway | Bandera

Mark mas naging yummy, mga beki tulo-laway

Ervin Santiago - January 19, 2014 - 03:00 AM


MARAMI palang nakapanood ng guesting nina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa The Ryzza Mae Show nu’ng Biyernes, at iisa ang kanilang komento – mukhang may posibilidad na magkabalikan ang dating magdyowa.

In fairness kasi, bagay na bagay pa rin ang dalawang Kapuso stars, at ngayong pareho na uli silang single, pwedeng-pwede talagang bumalik ang pagmamahal nila sa isa’t isa, lalo pa nga’t lagi uli silang magkakasama ngayon dahil sa bago nilang teleserye sa GMA, ang Rhodora X.

Kilig na kilig nga ang audience ng Ryzza Mae Show nang biglang lumabas sa stage si Mark at tumabi kay Jennylyn. Kahit kami ay nakaramdam ng “something” nang makita uli naming magkasama ang ex-couple.

Kaya huwag na tayong magtaka kung bukas-makalawa ay maging sila na uli. Bukod dito, marami ang nakapansin sa pagma-mature ng itsura ni Mark, mas naging yummy daw ito ngayon, nagkalaman na raw kasi ang aktor at gumanda na ang katawan.

Hindi raw tulad noon na ang payat-payat. Ang fresh-fresh din daw ng itsura ng binata, ibang-iba sa aura nito noong magdyowa pa sila ni Ynna Asistio.

Natawa nga kami sa comment ng isang beking naglalaway kay Mark, sabi niya, “Noong girlfriend pa ni Mark si Ynna, parang ang tingin namin sa kanya, tuyot na tuyot, parang nasasaid lagi ang kanyang lakas!

Parang laging problemado ang itsura! Ha-hahaha! Pero ngayon, ang delicious niya! Ang seksi ng lolo mo!” Anyway, tama lang naman na magpaganda na ng katawan si Mark at magbabu na sa dati niyang itsura, panahon na para ibandera niya sa buong mundo, lalo na sa mga bossing ng GMA, na kering-keri rin niya ang sumunod sa yapak ni Dingdong Dantes bilang Kapuso Primetime King.

At kailangang panindigan na ni Mark iyan dahil kung hindi baka maungusan na siya nang tuluyan ni Alden Richards na tinagurian na ngayong Primetime Prince ng Siyete dahil nga sa pagtatambal nila ni Marian Rivera sa seryeng Carmela na magsisimula na sa Jan. 27 sa GMA TeleBabad.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending