Comedy Academy goes to Bicol | Bandera

Comedy Academy goes to Bicol

- November 11, 2011 - 07:00 PM

HAHATAW na bukas ng gabi, Nob. 12,  sa pagpapatawa at pagso-showdown ang comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola sa benefit show na “Comedy Academy Goes To Bicol” na ipinrodyus ng ating ka-BANDERA na si Ambet Nabus.

Gagawin ito alas-10 sa Zirkoh Tomas Morato. Makakasama rin sa makabuluhang concert na ito ang super tweens ng GMA na sina Barbie Forteza and Joshua Dionisio. Makaka-join din sina Enchong Dee, AJ Dee Lara Quigaman at iba pang Bicolano celebrities na gustong magbigay ng kanilang suporta sa mga kababayan natin sa Bicol.

Ang show na ito ay para sa Sarong Banggi International at sa mga barangay health workers at day care workers sa Albay. Tickets are available at Zirkoh Comedy bar.

Kaugnay nito, nais din ng mga taong bumubuo sa benefit show na ito na ipaalam sa ating mga local artists na makibahagi sa “BANDERA Celebrity Bazaar” sa pamamagitan ng pagdo-donate ng kanilang mga kagamitan, tulad ng damit, accessories, gadgets, laruan o housewares.

Ito’y gaganapin ngayong December sa Media Resource Plaza Bldg., Mola St., Cor. Pasong Tirad, Makati City, para sa “MUNTING PANGARAP” campaign ng INQUIRER BANDERA.

Magkakaroon ng booth ang INQUIRER BANDERA sa labas ng Zirkoh sa mismong gabi ng “Comedy Academy Goes To Bicol” para tanggapin ang inyong donation.

Ang kikitain nito ay gagamitin sa pagbibigay katuparan sa maliliit na pangarap ng ilan sa ating mga kapuspalad na kababayan. Maaari kayong makipag-ugnayan kay Ervin Santiago (895-1472/0917-6241756) o kay Ambet Nabus (0915-2954429).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending