Uniherb Corp hinahabol ng SSS | Bandera

Uniherb Corp hinahabol ng SSS

Lisa Soriano - January 17, 2014 - 03:00 AM

MAGANDANG araw po. Paki kalampag naman. Kami po ay nag-file ng kaso sa SSS head office noon pang Mayo 2011 laban sa kompanya namin na hindi po naghuhulog ng aming remittance sa loob ng 12 taon.

Tinanggap naman po ang nai-file namin pero  ipinasa kami sa SSS Pasig kung saan nakabase ang dating kompanya na pinagtrabahuan namin.

Napakalungkot pong isipin na lagi lang kaming hinihingan ng ebidensiya para daw maisampa na ang kaso, ni hindi man lang namin nakita at nakausap ang dating employer namin. Wala man lang amicable settlement, malaki ang hinala namin na nabayaran na ang field inspector na isang Lee Alvarez na siyang humahawak sa kaso namin. Ang kaso po ay Darcy Alas vs Osaka Iridology o Uniherb Corp. Unit 405, 4th flr Prestige Tower Condo, Emerald avenue, Ortigas Center, Pasig City
Darcy Alas

REPLY: Ito ay kaugnay sa reklamo ng ilang miyembro ng SSS laban sa kanilang dating employer na Uniherb Corp. na diumano’y hindi nagbayad ng kanilang buwanang kontribusyon.

Ayon sa Account Officer sa SSS Pasig-Shaw na humahawak sa reklamo laban sa Uniherb Corp, mayroon ng demand letter para sa nasabing employer kung saan nakatala ang kabuuang halaga ng kanilang kailangang bayaran sa SSS. Subalit, ito ay hindi niya maibigay sa Uniherb sapagkat sarado na ang kanilang opisina.

Nais din naming itama ang pahayag ng dating empleyado ng Uniherb na sumulat sa inyo na naghihinalang nabayaran ang aming account officer kaya hindi na umusad ang kaso. Ito ay walang katotohanan.

Ang aming mga empleyado ay tapat na naglilingkod sa mga miyembro ng SSS at maayos nilang ginagawa ang kanilang trabaho. May mga proseso silang dapat sundin at ipatupad sa mga ganitong uri ng kaso.

Pinapayuhan namin ang mga dating empleyado ng Uniherb na makipag-ugnayan sa SSS Pasig-Shaw kung sila ay may impormasyon tungkol sa address ng bagong opisina ng kanilang dating employer nang sa ganoon ay maipagpatuloy na ng SSS ang kaso laban dito.

Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala sa SSS.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
Media Affairs
Department
Social Security
System

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending