TINURAN ni Floyd Mayweather Jr. na desperado si Manny Pacquiao sa mga hinaharap niyang problema kaya’t pinipilit na mangyari ang itinuturing na mega fight sa pagitan nina Pacquiao at Mayweather.
Bumisita si Mayweather sa South Africa noong Miyerkules at magtatagal siya rito sa loob ng apat na araw.
Sa panayam sa kanya, sinabi niyang wala siyang balak na paunlakan ang Pambansang Kamao sa pagnanais na magkasukatan na sila sa ring.
Aniya inalok na ng kampo ni Mayweather si Pacquiao noong mga nagdaang taon, kasama ang pagsalang ng $40 milyong premyo pero tinanggihan ito ng Kongresista ng Sarangani Province.
“All of a sudden, he loses to Timothy Bradley, he loses to Marquez…he has tax problems now. So, two losses and tax problems later, now he all of a sudden want to say: ‘You know what? I’d do anything to make the fight happen,” aniya.
Binuska pa nito si Pacquiao dahil ang kahulugan ng aksyon nito kay Mayweather ay humihingi siya ng tulong para maayos ang kanyang problema.
Si Mayweather ay nakatakdang bumalik ng ring sa Mayo 3 at ang pinagpipilian na kanyang makakatapat ay alinman kina Amir Khan ng Great Britain o Marcos Maidana ng Argentina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.