Alden sa love scene nila ni Marian: Gagawin ko lahat ng iuutos sa akin! | Bandera

Alden sa love scene nila ni Marian: Gagawin ko lahat ng iuutos sa akin!

Ervin Santiago - January 17, 2014 - 03:00 AM

MARIAN RIVERA AT ALDEN RICHARDS

Nalulungkot ang Kapuso hunk na si Alden Richards kapag nakakabasa siya o nakakarinig ng mga nagatibong komento tungkol sa pagtatambal nila ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera sa bagong seryeng Carmela.

Sey ni Alden, may mga nagsasabi kasi na gagamitin lang daw niya si Marian para mas mapabilis ang kanyang pag-angat bilang leading man ng Siyete, na kesyo hindi sila bagay ng dyowa ni Dingdong Dantes at baka raw malasin pa si Marian dahil sa kanya.
Anang binata, hindi na lang daw niya sineseryoso ang mga ganitong kanegahan, at gagawin na lang niya ang lahat para patunayan na hindi nagkamali ang GMA sa pagkuha sa kanya bilang ka-partner ni Marian sa Carmela.

Dagdag pa ni Alden, quiet na lang daw siya, hindi na lang niya papatulan ang mga taong nambabagsak sa kanya, at nakahanda na raw siya sa mga panlalait sa kanya. Ang pinakamahalaga naman daw ay ang ibinigay na tiwala sa kanya ng Kapuso network at tinanggap ni Marian ang proyekto at pumayag ngang makasama siya.

Tungkol naman sa mga love scene nila ni Marian sa Carmela, handa niyang gawin ang lahat para maging makatotohanan ang mga eksena, never daw siyang mag-iinarte, kung ano ang iutos ng kanilang direktor (Dominic Zapata), gagawin niya ng buong-puso hangga’t kaya niya.

Magsisimula na sa GMA TeleBabad ang Carmela sa darating na Jan. 27, kung saan makakasama rin ang mga Kapuso artists na sina Rochelle Pangilinan, Rodjun Cruz, Agot Isidro, Roi Vinzon, Jennica Garcia, Laurice Guillen, Raymond Bagatsing, Freddie Webb, Maxene Magalona at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending