Nanay ni Pauleen botong-boto na kay Bossing Vic; kasalan na | Bandera

Nanay ni Pauleen botong-boto na kay Bossing Vic; kasalan na

Ervin Santiago - January 16, 2014 - 03:00 AM


Very open na si Pauleen Luna sa pagsasalita tungkol sa relasyon nila ni Vic Sotto, hindi tulad noon na iwas siya nang iwas. Kaya naman kitang-kita sa itsura ng Kapuso host-actress ang kaligayahan.

Sa presscon ng bagong controversial afternoon soap ng GMA, ang The Borrowed Wife kung saan kasama nga si Pauleen bilang kontrabida ni Camille Prats, inamin ng aktres na mas lalong lumalalim ang relasyon nila ni Bossing.

Sa aura ngayon ni Poleng, halatang-halata na maligaya siya sa kandungan ni Bossing, mas lalo kasi siyang sumeksi at gumanda. Ibig sabihin, alagang-alaga talaga siya ni Bossing Vic.

Bukod dito, inamin din ni Pauleen na kung minsan ay napag-uusapan na rin nila ni Bossing ang kasal, pero aniya, hindi naman daw talaga mapipilit ang kasal, pero nangako siya na hindi nila itatago sakaling magdesisyon na silang lumagay sa tahimik.

Kinontra rin ni Pauleen ang mga chika na hindi raw boto ang mga magulang niya sa relasyon nila ni Vic, aniya, maayos ang pagtrato ng kanyang ina kay Bossing at close na rin daw ang mga ito.

Samantala, magsisimula na ang The Borrowed Wife sa Jan. 20 sa GMA Afternoon Prime after Villa Quintana, makakasama rin dito sina Rafael Rosell, TJ Trinidad, Sherilyn Reyes, Kevin Santos, Diego Castro, Yayo Aguila, Caridad Sanchez, sa direksiyon ni Gil Tejada, Jr..

( Photo credit to E Santiago )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending