Willie binenta na ang kotseng Porsche, pero di raw naghihirap | Bandera

Willie binenta na ang kotseng Porsche, pero di raw naghihirap

Julie Bonifacio - January 14, 2014 - 03:00 AM


BIGLA kaming ginulat ng TV host  na si Willie Revillame nu’ng lapitan niya kami with our colleagues from the press habang nagkakape-kape sa Starbucks sa kanyang Will Tower mall last Friday.

Syempre binati namin siya ng Happy New Year at alam n’yo na ang kasunod. Ha-hahaha! First time lang naming napasok ang Will Tower mall.

Kung ano ang iginanda sa labas ng mall, e, ganoon din sa loob. Kita agad ang personal touch ni Willie mula sa design, pagpili ng tiles hanggang sa pintuan sa restrooms, huh!

Nakakatuwa rin na super courteous ng mga empleyado mula sa private guards, parking staff hanggang sa elevator girl. Ika nga, e, well-trained lahat.

Paano naman kasi, mismong si Willie pala ang nakatutok sa mall. Nasaksihan namin ang pag-ikot-ikot niya at pagi-inspeksyon sa bawat floor ng building.

Tila ayaw paawat ni Willie sa kasisilip at kakaisip kung paano pa mapapaganda ang kanyang mall.  Although, marami pa talagang bakanteng unit para paglagyan ng business.

Syempre, tinanong na namin si Willie sa mga maiinit na isyung binabato sa kanya like ‘yung pagbebenta raw niya ng kanyang mga ari-arian.  Una na rito ang mga mamahalin niyang kotse.

“Nasa bahay ko sa Tagaytay ‘yung mga kotse ko. ‘Yung Bentley nasa baba,” bungad na sagot ni Willie. In fairness, nakita talaga namin ang Bentley na kotse ni Willie sa parking area ng mall sa basement katabi ang isa pa niyang kotse na black Mercedes Benz.

Hinanap namin kay Willie kung saan niya ipinarada ang kanyang Porsche. Nabenta na raw niya ‘yun. Kasunod na tanong namin sa kanya kung true na kaya niya inimbitahan ang aktor na si John Lloyd Cruz ay dahil binebenta niya rito ang  kanyang bahay sa Tagaytay,  “Ano ba ‘yan, puro benta,” natatawang sabi ni Willie.

“Hindi ako ang nag-imbita sa kanila doon. Siya ang nagsabi sa akin na kung pwede silang pumunta doon ng pamilya niya. Kaya hindi rin totoo na binebenta ko ang bahay ko sa kanya,” diin ni Willie.

Itinanggi rin ni Willie na merong TV network ang nakikipag-usap sa kanya,  “Wala, walang negotiation na nagaganap,” lahad ni Willie.

Excited naman na ibinalita niya sa amin na patatayuan na niya ng hotel ang katabing bakanteng lupa ng Will Tower mall na matagal na rin niyang nabili. Interesado raw ang kilalang Marriott Hotel na magtato ng hotel sa lupa niya.

After that ay nag-excuse muna si Willie dahil may meeting sila ng kanyang manager cum head ng Will Productions niya na si Jay Montelibano.

Habang nag-uusap sila ni Jay ay paikut-ikot lang sila sa loob ng mall at pagkaminsan ay lumalabas si Willie. At kapag may natyempuhan na taxi, ‘di pinapalampas ni Willie na abutan ng pera ‘yung mga driver.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending