Mga Laro sa Miyerkules
(Smart Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Rain or Shine vs Meralco
8 p.m. Petron Blaze vsSan Mig Coffee
BINUHAT ni Kelly Nabong sa kanyang matipunong balikat ang Globalport tungo sa 91-88 overtime na panalo kontra sa Alaska Milk upang makatiyak ang Batang Pier ng playoff para sa quarterfinals berth ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Ito ang ikalimang panalo sa 13 laro ng Batang Pier na napatid ang five-game losing skid.
Nagtulong sina Nabong, Jondan Salvador at beteranong si Eric Menk upang punan ang pagkawala ng kanilang leading scorer na si Jay Washington na mayroong injury sa paa.
“Kelly played big for us. His passion is really awesome,” ani Globalport coach Ritchie Ticzon. “All I asked from my boys is to be consistent. I’m glad that we’re back winning again.”
Umiskor sa pamamagitan ng isang drive si Nabong upang itabla ang score, 82-all, sa pagtatapos ng regulation period.
Sinimulan ng Globalport ang extra period sa pamamagitan ng 5-0 atake na pinamunuan ni Solomon Mercado bago sumagot si Tony dela Cruz para sa Alaska Milk.
Matapos ang isa pang basket ni Mercado ay puwede pa sanang lumayo ng todo ang Batang Pier. Subalit nawala ang bola kay Mercado matapos ang crossover dribble niya at natawagan siya ng advantage foul kontra Dela Cruz.
Nag-split si Dela Cruz sa kanyang free throws pero nagpasok ng three-pont shot si JVee Casio upang dumikit ang Aces, 89-88.
Puwede sanang makalamang ang Alaska Milk nang nagmintis ang Globalport. Subalit tinapikan ni Nabong ng bola si Sonny Thoss sa shaded area. At bago tuluyang lumabas ng baseline ang bola ay tumama ito sa tuhod ni Thoss para sa turnover.
Sa sumunod na play ay hinamon ni Casio sa free throw line si Nabong sa huling 1.4 segundo. Naipasok ni Nabong pareho ang free throws upang siguraduhin ang panalo.
Matapos ang timeout ni Alaska Milk coach Luigi Trillo ay nagbigay ng crosscourt inbound pass si Dela Cruz kay Dondon Hontiveros. Pero nabasa ito ni Mercado na nakakumpleto ng interception para sa panalo ng Batang Pier.
Sa ikalawang laro, nakabangon naman ang Barangay Ginebra mula sa kabiguan matapos padapain ang Barako Bull, 90-83.
Si Greg Slaughter ay nagtala ng 14 puntos, 15 rebounds, apat na assists, dalawang steals at tatlong blocks para pangunahan ang Gin Kings, na umangat sa 10-2 kartada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.