Pooh naospital matapos dapuan ng sakit ng matatanda; napuruhan din ang tonsils
HAPPY ang komedyanteng si Pooh sa pagbabati ng mga kasama niya sa Banana Split na sina Angelica Panganiban at Melai Cantiveros.
Parehong kaibigan ni Pooh sina Angelica at Melai kaya kahit paano ay naapektuhan din siya sa tampuhan ng mga ito.
“Ah, bilang ordinaryong tao, magandang nangyari ‘yun.
Pinapatunayan lang noon na magkakaibigan talaga at may patawaran, may pagpapasensya, pagpapakumbaba, ganoon. Kasi kahit anong mangyari, kami-kami pa rin,” pahayag ni Pooh nu’ng makausap namin sa dinner break ng taping niya for Banana Nite.
Ibinalita rin ni Pooh sa amin na nagkausap na sila ni Melai, “Nag-text din ako kay Melai. May friend kasi ako na may birthday noong December 25. So, ang babatiin ko ‘yung friend ko muna.
Bago ‘yun, hiningi ko muna kay Angelica ‘yung number ni Melai. Kasi wala nga ‘yung number na nag-a-appear,” lahad niya.
Kwento pa ni Pooh, “Tapos ang nasa isip ko ‘yung friend ko.
So, binati ko, ‘Happy birthday, ‘Nak.’ Sana maligaya ka ngayong Christmas,’ ganoon. Maya-maya nag-reply, number. Sabi ko sa sarili ko, ‘Bakit number?’ Sabi niya, ‘Kuya Pooooh, Christmas ngayon, hindi ko birthday.’
“Sabi ko, ‘Sandali, sino ba ‘to?’ ‘Si Melai po.’ ‘Ay! Naku, ‘nak, pasensya na. Isusunod na kita na babatiin.’ “Nagkamali-mali lang ng nasa isip ko. Ayun, nagkapalitan na kami ng text messages.
Sabi ko, ‘Kumusta na?’ ganoon-ganoon. Ayun, okey naman.” Dahil diyan ‘di malayong magkabati na rin sina Jason Francisco at John Prats, “Si John Prats sunod sa agos lang naman kapag okey-okey na kami, e, okey na rin ‘yan.”
Sa palagay niya dapat mag-sorry na si Jason kay John? “Hindi ko na alam. Nasa sa kanila na ‘yun. Si John naman malambot ang puso noon, (February) 14 ‘yun, e,” pahayag ni Pooh.
Samantala, naospital pala si Pooh nu’ng Pasko. Na-confine siya sa ospital mula Dec. 25 hanggang 27, “Ano raw, e, acute tonsilitis. Saka ‘yung gout, pang-matanda. Ay, pang-bagets,” pagbabalita ni Pooh.
Tantya ni Pooh nagkasakit siya sa ilang linggong pagso-show abroad, “Nag-show kami sa Europe nu’ng last week of November hanggang first week ng December. Una sa Milan with Aiza (Seguerra).
Tapos sa London naman kami nina Piolo (Pascual), Shaina (Magdayao) Papa Chen (Richard Yap), tapos ako,” tsika pa niya.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.