Pagiging Dyesebel ni Anne binatikos, matanda na raw
Marami ang hindi feel na si Anne Curtis ang gumanap na Dyesebel. Sa social media pa lang, inulan na talaga ng batikos ang decision ng ABS-CBN na gawin ni Anne ang very iconic role.
Ang feeling ng ilan kasi ay “bilasa” na si Anne to play the part. Also, she’s Inglisera kaya naman hindi raw siya swak sa role. Ang Dyesebel kasi ay very Filipina ang values na malayo sa kinalakihan ni Anne.
Isa pa, mas gusto ng mga tao sa social media na fresh ang gumanap na sirena at hindi ‘yung palaos na. “Parang di na siya bagay kasi si Dyesebel has this innocent look at matanda na si Anne for this kind of role bagay lang ito kay Julia Barreto, Julia Montes o kay Kathryn Bernardo and some younger stars of ABSCBN,” comment ng isang guy.
To which another one agreed, saying, “Korek! Thunder na ang lola! Dapat sa mga bata na lang binigay.” Ganito rin ang sentiment ng isa pang ayaw kay Anne, “Sana binigay dun sa fresh face di masyadong overexposed.
Nakakaumay na rin si Anne araw araw nakikita sa showtime tapos eto pa.” Meron ding nagsasabing baka bilhin na ni Anne ang dagat. Obviously, galing ito sa controversial quote niyang “I can buy you, your friends and this club.”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.