Kim hindi na naitago ang kamalditahan, wasak na ang imahe | Bandera

Kim hindi na naitago ang kamalditahan, wasak na ang imahe

Cristy Fermin - January 11, 2014 - 03:00 AM


Magkaayon ang obserbasyon namin ng isang source mula sa ABS-CBN, sinayang ni Kim Chiu ang imaheng napakatagal na panahon niyang iningatan, dahil sa isang iglap lang ay kumawala ‘yun at napalitan ng kabastusan.

Maagang komento ng aming source, “Saka ang kamalditahan, gaano mo man pagtakpan ‘yun ng pagngiti-ngiti at pagbabait-baitan, e, lalabas at lalabas pa rin. Walang mahabang buhay ang pagkukunwari.

“Nu’n pa, e, may kamalditahan na ang babaeng ‘yun, marami na rin siyang pinahihirapan sa mga pagmamarakulyo niya, hindi na lang makapagsalita ang mga nakakatrabaho niya dahil siya pa rin naman kasi ang kakampihan ng network nila.

“‘Yung nagrereklamo pa ang malalagay sa alanganin dahil kay Kim pa rin kakampi ang station, hindi pakikinggan ang mga kuwentong negative tungkol kay Kim, dahil pampered nga siya, spoiled!

“Pero hayan, di lumabas din ang totoo? Maldita talaga si Kim, very deceiving lang siya, naitatago lang niya ‘yun dahil sa kunwaring pagbabait-baitan niya!” pagdidiin pa ng aming source.

Nabuburyong na raw siguro ang dalaga dahil mula nang maghiwalay sila ni Gerald Anderson ay wala na siyang nakitang kahit papantay man lang sa mga katangian ng aktor.

May ipinapareha sa kanya pero wala naman siyang gusto sa ipinagduduldulang lalaki sa kanya. Katwiran naman ng iba, bakit kasi nakikisakay siya sa kunwari’y pagkakaroon nila ng relasyon ni Xian Lim, samantalang ang totoo ay wala naman siyang nararamdamang anuman sa may kanegahang aktor-aktoran?

“Ayan tuloy, siya ang nagiging nega, siya ang nalalagay sa alanganin, magplastikan ba kasi?” sabi pa ng aming impormante.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending