Nets pinutol ang 10-game winning streak ng Warriors | Bandera

Nets pinutol ang 10-game winning streak ng Warriors

- , January 10, 2014 - 12:00 PM

NEW YORK — Umiskor si Joe Johnson ng 27 puntos para ihatid ang Brooklyn Nets sa season-high na ikaapat na sunod na pagwawagi sa pagtala ng 102-98 panalo at putulin ang 10-game winning streak ng Golden State Warriors na nabigong itala ang kauna-unahang 7-0 road trip sa kasaysayan ng NBA kahapon.

Kinamada ni Kevin Garnett ang 11 sa kanyang 13 puntos sa huling yugto at inagaw din niya ang pasa ni Stephen Curry kung saan ang Warriors ay naghahabol sa tatlong puntos sa huling kalahating minuto ng laro.

Nagbuslo si Shaun Livingston ng tiebreaking free throw may 1:12 ang nalalabi habang si Johnson ay nagpasok ng apat na sunod na free throw para makalayo ang Nets at manatiling walang talo ngayong taon.

Gumawa si Curry ng 34 puntos para sa Warriors, na hangad sanang itala ang franchise-record na 11 diretsong panalo. Ang jumper ni Curry may 5.8 segundo ang nalalabi sa laro ang huling field goal ng Warriors at ito ay matapos na tumira si Klay Thompson ng tres may 4:07 sa laro at hawak nila ang 93-89 bentahe.

Hawks 97, Pacers 87
Sa Atlanta, si Kyle Korver ay gumawa ng 17 puntos habang si Pero Antic ay nagdagdag ng 16 puntos para tulungan ang Atlanta Hawks na padapain ang Indiana Pacers.

Ang panalo ng Hawks ay pumutol sa kanilang  three-game losing streak at pinalawig nila ang kabiguan ng Indiana sa Philips Arena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending