Sa taon ng kabayo: Drilon sisipain; Cayetano sisikat | Bandera

Sa taon ng kabayo: Drilon sisipain; Cayetano sisikat

Joseph Greenfield - January 08, 2014 - 03:00 AM

Ikapitong serye

ANG pangunahing mga lider ng bansa ay hindi rin makaliligtas sa pananalasa ng nagngangalit na Kabayo sa taon 2014.
Bagama’t patuloy sa pagsisipsip sa kasalukuyang administrasyon si Sen. Fraklin Drilon, hindi rin makaliligtas sa pananalasa ng Kabayo, sa unang yugto ng taon, sa mga buwan ng Enero hanggang Abril sa mga petsang 6, 12, 18, at 17,  sa araw ng Lunes, Martes at Miyerkules at bigla siyang dadapuan ng malubhang karamdaman na may kaugnayan sa “circulatory system,” sapat upang ikahina ng kanyang kalusugan.

Maoobliga siyang palitan bilang Senate President ng mas malakas at mas batang senador sa kanya, na miyembro rin ng ruling party. Hindi rin makakaligtas ang tatlong senador na sangkot sa “pork barrel-plunder case scam” sa kalagitnaang Hati ng Taon, sa mga buwan ng Mayo hanggang Agosto sa mga petsang 7, 12, 19, 25, at 28, sa araw ng Huwebes, Biyernes at Sabado, nakatakdang maghimas ng rehas na bakal si Sen. Jinggoy Estrada, habang magkakandarapa namang lumipad patungong ibang bansa si Sen. Bong Revilla.

Bagaman may nakatakdang pagkabilanggo kay Bong, susubukan niya ang ginawa ni Sen. Ping Lacson.  Tatakasan din ni Revilla ang hustisya kung kaya’t pansamantala siyang malalagay sa wanted list ng gobyerno.

Habang si Sen. Juan Ponce Enrile, tulad ni dating Pangulong Gloria Arroyo, ay “magsasakit-sakitan” pero matutuluyang magkasakit hanggang sa siya ay ma-hospital arrest.

Maaaring ang pakaka-ospital na ito ang siya na ring maging dahilan ng kanyang napipintong kamatayan. Mangyayari sa mga buwan ng Agosto hanggang Setyembre sa petsang 3, 13, 17, 22, at 31 sa araw ng Linggo, Lunes, Martes at Huwebes.

Lahat ng suwerte at magagandang kapalaran ay patuloy na darating kay Sen. Allan Peter Cayetano, tuluy-tuloy na aangat ang kanyang popularity rating, hanggang sa isa siya sa mapipiling kandidato bilang Vice President sa susunod election pang-panguluhan.

Ganoon din ang tadhana ni Sen. Chiz Escudero, kung saan siya ay siguradong kakandidato sa pagka-pangalawang pangulong sa Presidential Election 2016, bukod pa sa napipintong pagpapakasal sa kanyang kasintahang si Heart Evangelista.

Ganoon pa man, kung hindi mag-iingat ang dalawang senador, may banta ng biglang aksidente sa kanila ang Kabayo, na maaaring ikabingit ng kanilang buhay.

Mangyayari sa Ikalawang Hati ng taon, sa mga buwan ng Abril hanggang Agosto sa mga petsang 4, 13, 17, 19, 25, 26  at 31, sa araw ng Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo.

Kagulat-gulat ang mangyayari sa kapalaran ni Lacson, katulad ng nangyari kay dating DILG Secretary Jesse Robredo.  May babala na ipapahamak siya ng Kabayo habang siya ay nasa himpapawid, sa mga buwan ng Abril hanggang Agosto, sa mga petsang 4, 13, 22, 27, 29, at 30, sa mga araw ng Biyernes, Sabado, Linggo at Lunes, posibleng biglang bumagsak ang kanyang sinasakyang eroplano sa karagatang sakop ng kabisayaan, na agad niyang ikasasawi.

Bagamat muling magkakasakit at dadapuan ng depression, tuluyan nang makaaalis ng bansa si Sen. Miriam Defensor Santiago sa kalagitnaan ng taon, sa mga buwan ng Abril hanggang Hulyo, sa mga petsang 6, 15, 12, 21, at 30, sa baraw ng Martes, Miyerkules at Huwebes, upang umupo sa International Criminal Court (ICC).

Ganoon pa man, habang nanunungkulan, bigla siyang magkakasakit, kaya hindi rin niya matatapos ang termino na inilaan sa kanya bilang judge sa ICC.

At sa sandaling umuwi sa Pilipinas, tuluyan na siyang igugupo ng nangangalit na Kabayo, panghihinaan ng katawan hanggang sa igupo ng hindi maipaliwanag na mahiwagang karamdaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatapusin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending