I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |January 08,2014
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - January 08, 2014 - 03:00 AM

Mula kay Karen ng PPC Palawan, …3348. Gemini po ako at Virgo naman ang boyfriend ko. Compatible po ba kami?
Tugon ni Madam Sophia: Dahil ang Virgo ay may taglay na ruling planet na Mercury at ang Gemini ay Mercury din ang ruling planet – walang duda, walang sablay, compatible kayo ng boyfriend mo.

Mula kay Willie Salsona. December 14, 1957 ang birthday ko. Madam, may pag-asa po ba akong makabalik sa police service?
Tugon ni Madam Sophia: Wag ka ng bumalik sa pagpupulis, hindi ka dyan yayaman at susuwertehin. Sa halip mas maganda kung magnenegosyo ka na lang o kaya’y mag-aabroad. Ang pagnenegosyo at pag-aabroad ang magpapayaman sa iyo.
 Kaya nga kung babalik ka sa pagpupulis, mas mainam na wag ka dyang magtagal, sa halip mag ipon ka lang ng puhunan at kapag may puhunan ka na, at nagkataong 5, 14, 23, 8, 17, at 26 ang birthdate ng iyong misis, mag negosyo na lang kayo at sigurado pang sa pagenenegosyo gaganda ang buhay nyo hanggang sa tuloy-tuloy ng yumaman ang inyong pamilya.

Mula kay Mr. Scorpio ng Cotabato City, …8197. October 25, 1984 ang birthday ko. Nakipag-hiwalay po ang girlfriend ko sa hindi ko malamang dahilan, pero mahal ko parin siya. May pag-asa pa kaya kaming magkabalikan?
Tugon ni Madam Sophia: Kalimutan mo na ang girlfriend mo kung siya ang unang nakipag-hiwalay sa iyo, dahil ibig sabihin lang nito hindi ka na nya mahal. Lalo mo na siyang kalimutan kung hindi naman siya isang Taurus, Cancer, Pisces, Sagittarius at kapwa mo Scorpio na may birth date na 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19 at 28.
 Sa dahilang ang nasabing zodiac sign at birth date sa itaas, sila ang babaing dapat mong makatuluyan upang magkaroon ka ng isang masagana maligaya at pang habang buhay na pamilya.


Mula kay Marivic Eder ng Davao City. August 28, 1976 ang birthday ko. Ano ang dapat kong gawin, bakit palagi akong kapos sa pera?
Tugon ni Madam Sophia:  Halos lahat naman ng pangkaraniwang tao sa panahon ngayon ay kapos sa pera kaya wag ka ng malungkot dahil hindi ka nag-iisa. Para wag ka ng kapusin sa pera, wag kang gagasta. Sa ganyang paraan, hindi mauubos agad-agad ang hawak mong pera.
 Pero siyempre sasabihin mo “Madam naman kung hindi ako gagasta, paano ko naman mabibili ang mga pangangailangan ko sa buhay?” Dahil nga marami kang pangangailangan, patuloy kang magiging kapos sa pera.
 Kaya ang dapat, “kontian mo lang ang iyong pangangailangan, habang lakihan mo ang iyong kita.” Yan ang sikreto ng pagpapayaman.
 Sa Ingles, ganito ang formula: “Make the wants small, and the wealth great.”  

Mula kay Fatima ng San Fernando Pampanga, …6209. April 25, 1993 ang birthday ko. Sino-sino po ba ang ka-compatible ko at kailan ako magkaka-boyfriend?
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ng birthday mong April 25, 1993 silang isinilang sa zodiac sign na Virgo, Scorpio, Capricorn, Libra at kapwa mo Taurus, higit  lalo silang may birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 6, 15, 24, 9, 18 at 27. Habang sa taong 2014 sa edad mong 21 pataas magkaka-boyfriend ka na hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Capricorn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending