Baka mabigo | Bandera

Baka mabigo

Joseph Greenfield - January 08, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay J.O., ng Barangay Milaya, Midsayap, North Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Ako na yata ang pinakamalungkot na lalaki dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkaka-girlfriend.  Lahat ng tropa ko ay nakatikim na ng babae at ang iba’y nasilo na dahil nag-asawa na sila.  May crush ako sa school, pero nanghihina ako sa hiya kapag lumalapit sa kanya. Natatakot ako na sa unang panliligaw ko ay baka mabigo ako.  Compatible kaya kami kung ipaglaban ko ang aking nararamdaman sa kanya?  Ipinanganak siya noong Dis. 11, 1994.  Ang birthday ko at Agosto 1, 1996.
Umaasa,
J.O., ng Barangay Milaya, Midsayap, North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May Guhit ng Romantikong Pakikipag-relasyon (Illustration 1-1 arrow 1.) na nakatakdang mangyari sa panahong ding ito sa iyong palad. Tanda na basta’t lakasan mo lang ang iyong loob na kausapin ang babaeng iyong crush tiyak ang magaganap, hindi matatapos ang buwan na ito, magiging GF mo rin siya.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Three of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2014, pinakamatagal na sa Marso 2014, tiyak ang magaganap— magiging girlfriend mo ang babaeng noon mo pa crush na crush.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending