Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Air21 vs.
Talk ‘N Text
8 p.m. Barako Bull vs. Petron Blaze
Team Standings: Barangay Ginebra (9-2); Petron Blaze (8-2); Rain Or Shine (8-3); Talk ‘N Text (7-3); Alaska Milk (4-7); Barako Bull (4-7); Globalport (4-7); Meralco (4-7); SanMig Coffee (4-7); Air21 (2-9)
PUNTIRYA ng Petron Blaze ang pagsosyo sa liderato sa muli nilang salpukan ng Barako Bull sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Gaya ng Boosters, hangad din ng Talk ‘N Text na makaulit sa kalaban nitong Air21 sa ganap na alas-5:45 ng hapon.
Napatid ang seven-game winning streak ng Petron nang ito’y padapain ng Rain Or Shine, 99-95, noong Disyembre 21.
Apat na araw matapos iyon ay natalo muli ang Boosters kontra Barangay Ginebra, 97-83.Nakabawi ang Petron Blaze sa mga kabiguang iyon nang magwagi ito sa Talk ‘N Text, 105-91, noong Disyembre 28.
Inaasahang magbabalik sa active duty si June Mar Fajardo na na-miss ng Boosters sa huling dalawang laro. Nais ng Petron na makaulit sa Energy na tinalo nito, 96-90, noong Disyembre 4.
Makakatulong ni Fajardo sina reigning Most Valuable Player Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Lutz at Marcio Lassiter.
Kung makakaulit ang Petron sa Barako Bull ay magtatabla sila ng Barangay Ginebra (9-2) sa unang puwesto.
Ang Barako Bull ay nasa five-way tie para sa ikalima hanggang ika-siyam na puwesto sa kartang 4-7 kasama ng San Mig Coffee, Meralco, Alaska Milk at Global Port. Galing ang Energy sa 108-95 panalo kontra sa Batang Pier.
Ang Energy ay pinamumunuan nina two-time MVP Willie Miller, Ronjay Buenafe, Rico Maierhofer, Dorian Peña at Mick Pennisi.
Ang defending champion Tropang Texters ay galing sa 121-117 overtime na panalo kontra sa Alaska Milk noong Sabado at nasa ikaapat na puwesto sa record na 7-3.
Nangungulelat ang Express sa kartang 2-8 at galing sila sa 88-92 kabiguan laban sa Meralco Bolts nitong Sabado.Sa kanilang unang pagkikita noong Disyembre 22 ay dinaig ng Talk ‘N Text ang Air21, 87-82.
Si Texters coach Norman Black ay sumasandig kina Kelly Williams, Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ranidel de Ocampo at Larry Fonacier.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.