NANGAMBA si Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na titindi pa ang sitwasyon ng measles outbreak pagdating ng tag-init.
Sa pinakabagong rekord, umabot na sa 1,724 ang kaso ng tigdas ang naitala simula noong Enero 1 hanggang Dis. 14 noong 2013, 21 dito ay namatay.
“May mga outbreak ng tigdas noong isang taon at magpapatuloy pa ito,” ayon kay Tayag. Asahan na maaaring tumaas pa ang kaso ng tigdas sa papalapit na summer.
“That’s when the measles will peak (summer) and we hope we can contain it so we can reduce the number of children getting sick and even adults because measles spread easily because it is airborne.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.