Kris, P-noy planong kontrolin lahat ng Tv Network sa Pinas?
GAMAY na gamay na talaga ni Kris Aquino kung paano masu-sustain ang kaniyang kasikatan. Tama lang na siya ang tinaguriang Queen of All Media dahil alam niyang gamitin ang press para hindi siya nawawala sa limelight.
Ganyan siya katakaw talaga sa publisidad. Alam niya kung paano pakikilusin ang press kahit wala siya sa bansa – she has mastered this area of the business. Kaya nga sabi namin, she is her best publicist.
Everytime na meron siyang gustong gawin, she knows when to hit the headlines. And in fairness to her, she always succeeds sa aspetong ito. Kahit nu’ng inanunsiyo niya before that she was “sick”, alam niya kung paano kunin ang simpatiya ng sambayanan.
Tama nga yung sinabi niya diumano kay James Yap nu’ng kasagsagan ng away nila na isang iyak lang niya sa TV ay makukuha niya tiyak ang simpatiya ng mga tao. That’s how brilliant she is a her own publicist.
Nitong nakaraang mga araw, kahit nasa London silang mag-iina, siya pa rin ang headline ng bawat diyaryo, radio and TV shows dala ng balitang lalayasan na niya ang Dos para pag-isipan diumano ang alok ni Manny Pangilinan na maging presidente diumano ng TV5.
Galing niyang magpaikot ng mga tao – lahat ng tumbong ng mga Pinoy ay naghihintay sa kaniyang magiging desisyon as soon as she comes home sa Jan. 9.
Talagang binitin niya ang mga tao hangga’t hindi siya nakakauwi. Natural that this is big news nga naman kung totoong lilipat siya.
Pero siyempre, talagang pinag-iisipan ang bagay na ito – she will be sacrificing nga a very glowing career sa ABS-CBN but on hindsight, there must be something na mapapakinabangan ng pamilya Aquino once she accepts the presidential position ng TV5.
Hindi naman niya basta-basta isasakripisyo ang kaniyang mabangong career sa ABS-CBN kung wala silang mapapakinabangan sa kaniyang paglipat.
Hindi naman bobo ang mga Aquino, nakikitaan namin ito as a strategy para makontrol nila ang TV news industry once she joins the other network.
Sinabi ko nga sa FB account ko that once na maging presidente si Kris ng TV5, no one hits P-Noy anymore dahil malaki ang magiging say niya as president of the network.
At kung totoo rin ang chika that MVP has bought or is buying out 40% shares ng GMA 7, making him the biggest shareholder and he be its operating officer, natural din na automoatic ding hindi puwedeng galawin si P-Noy doon.
Eh, hindi naman lingid sa kaalaman nating hindi naman puwedeng basta-bastang mabanatan ng Dos si P-Noy dala ng UTANG NA LOOB system na iyan.
Meaning, the poor P-Noy na bagsak na bagsak sa ratings nitong mga nakaraang buwan at nasira ang kredibilidad ay babango to its maximum level once Kris embraces TV5’s offer. Ganoon iyon. That’s a political strategy.
Nakahanap sila ng magandang buwelo at paraan para mapangalagaan ang kapakanan ng malamyang pangulo. Si Kris ang gagawin nilang sandata rito. Matalino iyang si Kris, alam niya kung paano manggamit ng mga tao.
Honestly, I fear for this country sa mga kamay ng mga Aquino. I fear for our children dahil sila yung tipong nakatago sa maskara ng kabaitan pero iba ang ginagawa sa totoong buhay.
Tayo raw ang BOSS ni P-Noy, remember his SONA noon? Gusto raw niya tayong akayin sa TUWID NA DAAN – where to? Kahit simpleng MMFF na nga lang ay hindi pa nila magawang patas, basta may entry si Kris Aquino, she has to win every game.
Diyan pa lang ay basang-basa mo na sila, di ba? Simpleng MMFF na lang, ganoon na lang kasimple iyon pero nadadaya pa rin nila tayo, what more sa ibang malalaking aspeto?
Sasabihin nila na kaya ko sinasabi ito dahil galit ako kay Kris, sinisiraan ko lang daw ito dahil hindi ko siya gusto. No, hindi ako galit kay Kris, the person, galit ako sa mga style niya, sa mga pinaggagawa niya.
Wala siya sa tamang huwisyo, gusto niya palagi siyang tama. Hindi siya marunong tumanggap ng kamalian. She chooses the kind of life na gusto niyang tahakin – she designs everything.
Pati ang mga taong dapat lang niyang kausapin o lingunin ay pinaplano niya. That’s how I see her. Hindi siya normal na imortal tulad nating lahat – she is her own god – she is her own boss and she has her own separate world.
Siyempre, hindi niya aaminin that she bribes people her way, gifts people she can use para ipagtrabaho siya sa mata ng publiko.
Nililinis ng mga nakapaligid sa kaniya ang buong pagkatao niya, she knows how to mold herself into someone that she is truly not. Iyan ang basa ko.
I maybe wrong sa tingin ng iba pero pag pinag-aralan ninyong mabuti si Kris, talagang born to be Kris Aquino siya. Whatever I mean by this, just read between the lines.
Congrats Kris for being so successful in all the manipulations – in being the one you’ve always wanted to be. Pero hanggang kailan? Kungsabagay, hindi na bago sa atin ito.
Kung si Marcos nga ay na-dethrown after almost three decades, ang mga Aquino pa kaya. Kung kailan, di ko lang alam. Hindi naman ako si Madam Auring, ‘no!
May challenge pa kayang natitira sa buhay ng isang Kris Aquino? Kasi nga, what she wants she gets. Is she truly happy with who she is and where she is now? Your guess is just as good as mine. Really!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.