Nakakaluha at damang-dama namin ang hinagpis at hinanakit ni Charice nang makapanayam ito ni Karen Davila sa Bandila kamakailan.
Nagtitimpi lang ang dalaga pero aminado itong nagagalit siya sa pumaslang sa kanyang tatay. Noon lang namin nakitang ganu’n ang international singer kaya sigurado kaming muli niyang nakuha ang pagmamahal at respeto ng kanyang mga fans and supporters.
Ngayon ay medyo nabuo na sa amin ang dati pang mga pangit na kuwento tungkol sa pamilya niya dahil sa mismong bibig ni Charice nanggaling na naging problema nga nila ang pagdodroga noon ng ama na siyang naging dahilan ng pagkakawatak-watak nila.
Madrama rin pala ang buhay ni Charice bukod pa sa drama ng kanyang naging tagumpay bilang singer. Hindi kami magugulat kapatid na Ervin kung isa sa mga araw na ito ay gawin itong TV series o movie ng kanyang mentor na si Oprah Winfrey.
Mature na mature na ang emosyon ni Charice at hangang-hanga kami sa paraan niya ng pagbuhos ng emosyon, kahit umiiyak at may uhog na e, go lang nang go!
Muli ay nakikiramay kami sa pamilya ni Charice at sana’y makamit na rin nila ang katarungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.