Bossing, Kris 'naisahan' ang mga nanood ng My Little Bossings | Bandera

Bossing, Kris ‘naisahan’ ang mga nanood ng My Little Bossings

Alex Brosas - January 06, 2014 - 03:00 AM


Basura! That’s how we will describe the MMFF movie of Kris Aquino, Vic Sotto, Bimby and Ryzza Mae Dizon after we read the not-so-good reviews of their film.

Summing it all up, talagang walang nagandahan sa pelikula nina Kris and company. Inokray-okray ang movie as it was BEREFT of festival quality. It was badly written and directed at talaga namang hindi karapat-dapat mapasali sa festival.

Ang pinakanakakasuka, according to the reviews that we read, ha, ay ang daming commercials all throughout the movie. Ang feeling tuloy ng marami ay naisahan ng producers ang moviegoing public na clueless sa dami ng ads na kanilang papanoorin nang walang kalaban-laban.

But there’s no doubt na talagang humataw ang movie sa takilya. Tubong-lugaw nga ang producers nito dahil kumita na sa sandamakmak na commercials ay kumita pa sila sa ticket sales.

Parang walang ka-concern-concern ang producers sa magiging tingin sa kanila ng moviegoers. Parang wala silang pakialam kung isipin man ng mga manonood na sila ay SHREWD dahil sa pag-a-allow nila na lagyan ng maraming commercials ang entry nila.

Buti na lang at hindi kami mahilig manood ng pelikulang basura, kung hindi ay baka nasuka na kami sa loob pa lang ng sinehan.

Actually, dapat  ay sinita ng mga organizer ng MMFF ang ganitong senaryo sa movie. Dapat ay nagpakita sila ng concern sa mga manonood na maaaring magalit dahil nagbayad na nga sila ay hindi pa rin sila nakaligtas sa commercial.

At ito namang sina Kris at Vic ay hindi na isinaalang-alang ang damdamin ng mga moviegoers. Wala silang paki kung masuka ang mga ito sa dami ng commercial na pilit nilang ipinakita sa pelikula nila.

Hindi na kami nagtataka rito dahil ang goal lang naman ng mga ‘yan ay mabawi ang kanilang puhunan at kumita nang husto.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending