Binuntis ng txm8 (2) | Bandera

Binuntis ng txm8 (2)

Joseph Greenfield - January 05, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Shela ng Oton, Iloilo
Problema:
1.      Nabuntis ako ng textmate ko.  Nagkakilala kami sa text at di nagtagal ay pumayag akong makipag-eyeball sa kanya.  Sa ikalawang eyeball ay niyaya niya ako sa pribadong lugar at sumama naman ako.  Naganap ang di dapat maganap at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit pumayag ako at sumama sa kanya.  Ang sabi niya ay binata siya.  Pero, nadiskubre ko na may asawa na pala siya.
2. Bukod dito ay may mga anak pa.  Nang ibalita ko sa kanya na buntis na ako ay naglaho na lamang siya na parang bula.  Nang sabihin ko sa kanya na buntis na ako ay agad siyang nagpaalam at sinabing maghahanap siya ng pera para makabili ng gamit ng bata.  Hindi na siya nagbalik.  Susustentuhan kaya niya ang bata?  Ano ang mangyayari sa buhay ko kapag naging dalagang ina ako?
Umaasa,
Shela ng Oton, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius  (Illustration 2.) ay nagsasabing ang lahat ng mga pagsubok na pinagdadaanan mo sa kasalukuyan ay malalagpasan mo rin ang mga ito, hanggang sa dumating ang ikalawang pag-ibig na hatid ng isang Gemini, sa kanyang pagdating habambuhay ka nang liligaya kahit pa sabihing magiging dalagang ina ka.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing namang dahil likas kang mabait at mabuting tao, darating ang takdang panahong gagantimpalaan ka rin ng kabaitan at kabutihan ng tadhana. Mangyayari sa sandaling dumating na sa last quarter ng taon ding ito ang lalaking isinilang sa petsang 29.
Graphology:
Upang matiyak na sa ikalawang pag-ibig at pakikipag-relasyon ay hindi ka na luluha, ayusin at pagandahin mo ang nababoy at may malaking bilog na lagda sa unahang bahagi ng iyong pirma. Magagawa mo yan sa pamamagitan ng pagsulat ng simpleng “M” na lang. Sa ganyang maayos at simple lagda sa ikalawang pakikipag-relasyon habambuhay ka nang liligaya.
HULING PAYO AT PAALALA
Shela, ayon sa iyong kapalaran, kung buntis ka ngayon, okey lang yan, lilipas at mapaglalabanan mo ang pagsubok na nabanggit at kahit na maging dalagang ina ka pa, nakatakda na ang magaganap, isang lalaking nagtataglay ng initial na R.A. ang iyong makikilala, magiging boyfriend mo siya at kahit na dalagang ina ka, wagas nyang mamahalin at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending