Ni Leifbilly Begas
MAINIT ang huntahan ng mga motor riders hinggil sa isinusulong na panukalang batas na magbabawal sa kanila na mag-angkas ng mga bata at daraan sa national highway.
Sa ilalim ng House Bill 5345 na ipinanunukala ni Manila Rep. Ma.Theresa Bonoan-David, tatlong taong kulong ang kaparusahan na inirekomenda laban sa mga driver ng motorsiklo na mag-aangkas ng bata at daraan sa national highway.
Sa paliwanag ng mambabatas, lubhang mapanganib ang pag-aangkas ng bata sa motorsiklo dahil nangangailangan ito ng pagbalanse kung kayat dapat itong ipagbawal.
Bukod sa kulong, ang mga lalabag sa panukalang “Motorcycle Safety Act for Children” ay magmumulta ng P5,000 para sa unang paglabag, P8,000 sa ikalawang paglabag at P10,000 sa ikatlong paglabag.
Hindi gaya ng matatanda, sinabi ni David na kulang pa ang kakayahan ng mga bata upang maproteksyunan ang kanilang mga sarili.
Kapansin-pansin din na ang mga nakaangkas na batas ay walang suot na helmet at iba pang protective gear.(Ed: May reaksyon, komento ka ba? I-text lang sa MOTOR
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.