Wally patatawarin ng mga Dabarkads sa isang kundisyon
HALOS lahat ng nakakausap namin ay nagsasabing gusto na nilang bumalik si Wally Bayola sa Eat Bulaga – basta ba susundin niya ang kundisyon ni Bossing Vic Sotto na magbibigay siya ng public apology sa nagawa niyang “kasalanan” – ito nga yung pagpatol niya kay EB Babe Yosh at ang paglabas ng kanilang sex video.
Ayon sa mga friendship namin na araw-araw tumututok sa Eat Bulaga, kung mararamdaman naman ng mga dabarkads na sincere si Wally sa paghingi ng paumanhin sa publiko ay madali rin siyang patatawarin.
At isa pa, marami talaga ang nakukulangan sa Eat Bulaga mula nang mawala si Wally. Sabi ng aming pinsan na si Ate Ehl Mojica ng Genesis Royale Subd., sa Cainta, Rizal, “Sa akin okay lang na bumalik si Wally, kasi nakakaawa rin, e, lalo na yung mga anak niya.
Tsaka minsan lang naman siyang nagkasala, let’s give him another chance.” Sey naman ng isang nakachika namin, “Magaling na comedian si Wally, asset siya ng Eat Bulaga, sayang kung matetengga siya nang napakatagal.
Tama si Bossing, kung mapi-feel ng mga tao na totoo ang paghingi niya ng sorry, tatanggapin uli siya ng mga dabarkads. Ang mga Pinoy pa, madali naman tayong makalimot lalo na kapag mabait naman ang isang tao.”
Pero siyempre kung merong pabor sa pagbabalik ni Wally sa noontime show ng GMA, meron ding mangilan-ngilang kontra rito, sabi ng isang kachika namin, “Hayaan na muna natin siyang mamahinga, medyo sariwa pa sa isip ng mga tao yung video scandal nila, baka sa halip na makatulong sa rating ng Eat Bulaga, e, manega pa.
Hindi naman simple lang ang ginawa niya, malaking kasalanan pa rin ‘yun.” Pero kung kami ang tatanungin, bigyan natin ng chance si Wally, ang mahalaga, pinagsisihan na niya ang kasalanan niya at sana lang ay hindi na niya ulitin dahil susunod, talagang forever na siyang isusumpa ng publiko.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.