Boy ginawang Presidente ni Kris sa itinayong film company
SUPER happy na nag-celebrate ng Pasko ang King of Talk na si Boy Abunda sa resthouse niya sa Tagaytay kapiling ang kanyang ina at si Bong Quintana.
Bago nagbakasyon for Christmas si Kuya Boy ay nakausap namin siya sa taping ng Buzz ng Bayan at doon tila excited siya sa magiging resulta ng box-office sa Metro Manila Flm Festival this year.
Sa mga ‘di nakakaalam, si Kuya Boy ang ginawang presidente ni Kris Aquino sa bagong movie outfit na itinayo ng Queen of All Media, ang Kris Aquino Productions, Inc..
Maging si Kuya Boy ay nabigla nu’ng makita niya sa papel na pangalan niya ang inilagay ni Kris. Ganoon kalaki ang tiwala ng TV host kay Kuya Boy, ‘no.
Malamang knows din ni Kris na may dalang swerte sa kanya si Kuya Boy. Kaya hayun, mega blockbuster ang “My Little Bossings” ngayong Kapaskuhan dahil sa mga bata.
Ang lakas kaya ng karisma ng isa sa mga bida sa movie na si Ryzza Mae Dizon ‘di lang sa mga bata kundi maging sa matatanda. Tapos andu’n pa sa movie si Vic Sotto at maraming curious na makitang umaarte ang anak ni Kris na si Bimby Aquino Yap.
Sa closing credit ng “My Little Bossings” nu’ng premiere night sa SM Megamall meron na agad nakalagay na part 2, huh! Kaya alam n’yo nang magkakasama pa ulit ang pinakabatang loveteam ngayon na sina Ryzza Mae at Bimby.
Hindi naman nakakagulat kung maging monster hit ang first movie ni Bimby. Syempre kung gaano ka-curious ang mga Pinoy na mapanood sa big screen for the first time ang bunsong anak noon nina Ninoy Aquino at Presidente Cory Aquino sa “Pido Dida” with the late Rene Requiestas, ganoon din sa apo nila at anak ni Kris na si Bimby.
We still remember na lumikha ng record sa takilya ang “Pido Dida” , huh! In fact, binigyan pa ng certificate ng Mayor ng Maynila noon na si Alfredo Lim sina Kris at Rene for making a box-office record sa mga sinehan.
And now, it’s Bimby’s turn to make “records” sa showbiz. Going back to Kuya Boy, ginanap naman ang Christmas party ng talent management niya na Backroom sa Hemady Square last Dec. 17.
As the famous Yuletide song goes, “It’s the most wonderful time of the year.” Backroom opted to simplify the party and called it Backroom Christmas Dinner.
The party began with a Thanksgiving Mass officiated by Reverend Fr. Allan Samonte followed by a sumptuous dinner. After dinner, nagkaroon ng parlor game na sinalihan ng Backroom staff, artists and guests.
Ang nag-host sa party ay ang NYOBG members (Backroom’s newest league of artists). As part of its annual tradition, Backroom had its raffle draw where each staff brought home gifts and cash prizes.
Nagkaroon din syempre ng palitan ng regalo ang Backroom staff. Backroom, now looks forward to a bigger and brighter 2014.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.