Charice nagalit sa pamilya ng ama | Bandera

Charice nagalit sa pamilya ng ama

- November 02, 2011 - 02:26 PM

Na-shock si Charice Pempengco nang makarating sa kanya ang balitang sinaksak at napatay ang kanyang amang si Ricky Pempengco, 40, habang bumibili ng sigarilyo malapit sa bahay nila sa Bgy. Laram sa Laguna.

Dead on the spot ang tatay ni Charice pagkatapos itong saksakin diumano ng nakainuman nito na nakilala lang sa pangalang Angel Capili. Tinutugis na ito ng mga pulis.

Sa Twitter account ni Charice, sinabi niyang mahal na mahal pa rin niya ang kanyang tatay sa kabila ng mga nangyari sa kanilang pamilya, “I love him and I will still love him. He’s still my Dad after all.” 

Humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang mga fans sa Singapore dahil hindi na nga siya makakasama sa concert nila roon, “I am very sorry to all my fans from Singapore. I am not going to be there to be part of (the) David Foster and Friends concert.

I have to go back to the Philippines as soon as possible to be with my family. I hope you all understand. I love you all and I will see you next year.”

Hindi rin daw nagustuhan ni Charice ang mga naging pahayag ng ilang kapamilya ng kanyang tatay, kaya sa kanyang Twitter ay naibulalas din niya ang kanyang saloobin, sabi ng international singer,

“Para sa mga kapatid ng daddy ko, wala kayong karapatang sabihin o hulaan ang nararamdaman ko. Sino kayo para sabihing masaya ako sa pagkawala ng SARILI KONG AMA? Kapatid lang kayo at ako ay ANAK.”

“Alam ko na nagalit ako sa kanya! Pero hindi ko sinabing itinatakwil ko sya! matagal akong naging tahimik sa mga eskandalong ginagawa nyo. Pero ngayon, di ko na kaya pati sa pagkamatay nya GANYAN PARIN KAYO.

Hindi ako takot. Lalo na sa mga taong walang respeto,” ayon pa sa tweet ni Charice.
Bukas naman ang mga pahinang ito para sa panig ng mga kamag-anak ng namayapang ama ni Charice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending