NANGANGALAP ang kanyang mga kaibigan, pati na ang mga sports writers, sa bansa, ng dasal para sa mabilis na paggaling ni WBA interim champ Nonito Donaire, na tinamaan ng dengue at ngayon ay nasa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa. Ayon sa kanyang manager na si Cameron Dunkin, lumalaban si Donaire at tila nakaungos sa “Round 1” ng dengue, pero mataas pa rin ang kanyang lagnat, na naitalang 40 Centigrade. Ang normal na temperatura ay 37. Na-dengue si Donaire noong Huwebes. Medyo humupa ang lagnat at impeksyon ni Donaire pagkatapos na saksakan ng ilang suero. Ayon sa mga doktor at sa asawa ng kampeon na si Rachel, nakagat ng lamok si Donaire.
BANDERA Editorial, September 4, 2009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.