HOROSCOPE, DECEMBER 26, 2013 | Bandera

HOROSCOPE, DECEMBER 26, 2013

Madam Sophia - December 26, 2013 - 01:28 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Paghandaan ang papalapit na 2014. Samantalahin ang bawat oras na dumarating upang pagkaperahan. Sa pag-ibig, mahalaga ang bawat minuto upang ipadama sa kasuyo ang wagas na pagmamahal. Mapalad ang 4, 7, 16, 25, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohaya-Aum-Mitra.” White at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — ‘Wag ng hintayin ang Bagong Taon upang simulan ang pagbabago – now na! Sa halip na isip ang paganahin, kumilos ka agad ng kumilos upang magkapera. Sa pag-ibig, walang “ideal love” kaya itigil na ang pagpapatansya ng isang perfect na relasyon. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kapag nahawi na ang malaking gastusin ngayong Holiday Season, malaking halaga ng salapi ang muling matatanggap. Sa pag-ibig, giniginaw ang kasuyo, kailangan niya ng mainit na kape at masarap na yakap. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa pagpasok ng 2014 walang dapat gawin kundi ang magpayaman. Makikita mo, kapag mayamang-mayaman ka na, makakabili ka rin ng isang tunay, wagas at pang habangbuhay na karelasyon. Mapalad ang 1, 10, 19, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Silver at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Malungkot ka na naman? Ikaw din ang may kasalanan, inubos mo kasi ang iyong pera sa pamimigay! Sa pag-ibig, wala sa ka-opposite sex ang hinahanap mong ligaya, kundi na kay Lord. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Into your hands I command my spirit O Lord.” Violet at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sa iyong kagandahan, ngunit may isang naka-yellow, na magbibigay ng kakaibang ligaya. Mapalad ang 3, 9, 23, 31, 41 at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Bukod sa yellow ang orange ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pinansiyal, tama ang ginagawa mong pag-iipon! Ngayon palang paglaanan na ang Bagong Taon. Sa pag-ibig, na mi-miss ka na ng kasyong Libra, makipagkita ka sa kanya. Mapalad ang 4, 16, 25, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Blue at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tapos na ang Christmas! Ang dapat namang paghandaan ay ang nalalapit na New Year. Kung masyado nagastusan nitong Pasko, hinay-hinay lang sa paggasta sa Bagong Taon. Sa pag-ibig, may sopresang naghihintay sa 2014. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa ibayong dagat mas magiging masagana ang kinabukasan. Sa pag-ibig, sa pangingibang bansa matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim.” Pink at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kung problema ang salapi, masosulusyonan din ‘yan sa susunod na mga araw. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa maperang Aries. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Green at lilac ang bueans.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa taon 2014 basta’t lagi ka lang magpaka-sipag kusa ka ring yayaman. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din ay maraming pagkukulang. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Purple at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo sa ngayon ay may malaking gantimpala ng salapi sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Yellow at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa 2014 hindi dapat tumunganga at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi pipigilan ang paggastos lalong masisimot ang salapi. Sa pag-ibig, ngayon na ang panahon upang ipadama sa kasuyo ang mainit na pagmamahal. Mapalad ang 5, 9, 18, 23, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Blue at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending