Kris, Bossing inireklamo ng mga Producer, mas maraming nakuhang mga sinehan sa MMFF
HINDI ko na lang muna papangalanan ang mga sineng masama ang loob sa kasalukuyang Metro Manila Film Festival as far as theater distribution is concerned.
Ang pelikulang “My Little Bossings” produced by Kris Aquino starring her son Bimby with Ryzza Mae Dizon and Vic Sotto are being shown in more than 100 theaters nationwide while yung ibang movies ay 45 theaters lang ang pinalalabasan.
Ano ba namang bansa ito? Anong kabobohan na naman iyan? Katatapos lang ng delubyo at napakaraming iskandalo sa pamahalaang ito, nagagawa pa rin nilang maniobrahin pati mga sinehan.
Hindi na ba sila nakukonsiyensiya sa mga kasamahan nila sa industriya at sariling kapakanan lang at mga interes ang umiiral. Iyan ang kaswapangan talaga ng kampo nina Kris Aquino that has been prevalent in the past years tuwing may entry siya.
Hindi man siya main star here pero anak naman niya ang bida at producer siya kaya gagawin daw nito ang lahat to become number one sa takilya.
Natural na magna-number one talaga sila dahil more than half ang bilang ng theaters nila kumpara sa iba. Tapos maglalabas sila ng resulta ng box-office on the next day (ngayong araw iyon for sure) with figures na nakakalula kasi nga, automatic na lamang na kaagad sila dahil naobliga na nila ang maraming sinehan na paglalabasan ng walang kuwentang pelikulang ito.
Pag nalaman ng maraming mga utu-utong audience naman na number sila, curious agad sila para panoorin ito making other matitinong movies suffer in comparison.
Matagal nang style ng kampo ni Kris iyan. Hindi na sila nahiya – kapatid niya ay pangulo na sirang-sira na sa mata ng buong sambayanan dala ng kalamyaan nila nu’ng nakaraang Yolanda tragedy pero nakukuha pa rin nilang mang-impluwesiya ng theater owners.
Malamang niyan ay manalo pa si Bimby ng Best Actor sa awards night bukas sa Meralco Theater at baka mag-Best Picture pa sila. Pag nangyari iyan tiyak na wala nang sasali sa MMFF next year.
Palagi na lang ganito, wala nang pagbabago. Basta may entry itong si Kris Aquino at nakaupo ang kuya niya sa posisyon ay hindi maaantig ng kahihiyan at delicadeza ang babaeng ito.
Hindi sila naaawa sa ibang entries na pinagkagastusan din at pinaghirapan. Sila ay nagpapasalamat lang sa mga privileges nila sa pamahalaang ito.
Tuwang-tuwa sila sigurong makita ang ibang entries na lugmok at mag-first day last day dahil hindi sila patas sa laban. Tapos, sasabihin na naman nila na choice ng theater owners sa probinsiya kung aling movies ang ipapalabas nila sa mga sinehan, pakiyeme na naman nilang sasabihing hindi nila kontrolado ang choices ng theater owners na iyan.
Natural, mga negosyante ang mga iyan at takot na pag-initan ng benggador na pamahalaang ito kaya no choice sila but to take Bimby’s movie.
Pati mga mayors na kaalyado nila ay obligado na namang bumili ng bulk ng tickets dahil pag hindi, alam n’yo na ang mangyayari. Takot lang nilang makasuhan ng graft, overspending, at kung anek-anek pa.
Para naman kayong bago nang bago sa bulok na style nilang ito. But how do you argue with a very influential producer, sige nga.
“Kung ganoon ang siste nila, huwag na lang nilang ilabas ang total gross income ng pelikula nila nationwide, yung Metro Manila receipts lang ang ilabas nila para hindi masyadong malayo ang magiging lamang nila sa ibang movies.
Unfair kasi iyon dahil ang ginagawa nilang pronouncements ay nationwide, bakit, ang MMFF ba ay national in the first place? Pang-Metro Manila lang naman talaga ang original concept nito, di ba?” pakiusap ng isang produ.
“Sa mga salita pa lang ni Ms. Kris na sisiguraduhin niyang magna-number one sa box-office ang entry nila – what does she mean by that? Na gagamitan niya ng impluwensiya talaga ang merkado para kumita sila?
Huwag naman sanang ganyan. Alam mo na kaagad ang ibig niyang sabihin, di ba? Next year nga, siya na lang ang sumaling mag-isa sa MMFF para masolo niya lahat ng pera ng Pilipinas.
Ipagdasal na lang nating bumilis ang takbo ng relo, na bukas ay 2016 na agad para matapos na itong paghihirap ng kalooban natin. Kayo naman kasi eh, hindi na gaanong nag-iisip nang matino.
Boto pa rin kayo nang boto ng mga walang kuwentang pulitiko – sino ngayon ang nagsa-suffer? Matauhan na nga kayo.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.