Melai: Gusto ko ng maraming-maraming anak! | Bandera

Melai: Gusto ko ng maraming-maraming anak!

Ervin Santiago - December 23, 2013 - 03:00 AM


KUNG si Melai Cantiveros ang masusunod mas gusto niya ng maraming baby sa kanilang bahay, type raw kasi niya ‘yung big and happy family.

Sa isang episode ng Kris TV, sinabi ni Melai na kahit noong dalaga pa siya, gusto raw niya ng maraming anak dahil parang ang saya-saya raw kasi ng ganu’ng pamilya. Mahilig din daw kasi siya sa mga bata.

“Pero sa hirap kasi ng buhay ngayon, di ba, Ms. Kris, parang hindi na siya posible, kaya baka tatlo hanggang apat na lang. Pwede na ‘yun,” sey ni Melai sa Kris TV.

Pinayuhan naman ni Kris si Melai na dapat daw matuto silang mag-family planning, huwag daw siyang magbuntis every year.
“Yes, Ms. Kris kasi ang sabi din sa akin ng OB Gyne dapat two or three years ang pagitan para pareho kaming healthy ng baby.

Para raw bumalik ‘yung mga nutrients sa katawan ko na nawala habang nagbubuntis ako sa last baby. Kasi raw kapag isang taon lang, posibleng masasakitin daw ang bata, at pati na rin ako,” paliwanag ni Melai.

For his part, sinabi ni Jason na noon gusto rin niya ng maraming anak, pero ngayon daw ay may mahalaga ang kalusugan ng kanyang asawa.

“Noong una gusto ko ng malaking pamilya pero noong makadalo ako ng mga seminar bago ikasal, naintindihan ko na hindi pala basta-basta ‘to. Gusto ko talaga madaming anak kaya lang iniisip ko din ang kalagayan ng asawa ko,” ani Jason.

Sa panayam naman ng Tapatan Ni Tunying sa ABS-CBN sa bagong kasal, sinabi nilang mas magsisipag pa sila ngayon sa pagtatrabaho, hindi raw daw titigil si Melai sa pag-aartista.

“Kung bibigyan ako ng pagkakataon, babalik ako ulit siyempre sa showbiz. Pero gusto ko muna alagaan yung baby ko ng mga tatlo o apat na buwan. Gusto ko yung tutok muna ako sa anak ko,” sey ng komedyana.

Sa tanong kung magpapakasal pa rin ba si Melai kay Jason kung sakaling hindi siya nabuntis, “Oo naman. Hindi na ako nagdalawang-isip kasi nga sabi niya sa akin gusto na niya lumagay sa tahimik.

Gusto na rin niya magkaroon ng pamilya. Sabi ko naman sa sarili ko, ako rin gusto ko nang magkapamilya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending