GOOD afternoon doc, ask po sana ako sa inyo. Nagregla po ako ngayon pero bakit itim ang kulay na lumabas na dugo? At parang tuyo? May sakit po ba ako? Natatakot po akong magpa-checkup. — Christjoy, 23, South Cotabato
Ibig sabihin lang niyan ay “blood clots” ang dugong itim. Matagal na dugo at naipon sa loob ng matres (UTERUS). Normal lang na pangyayari yan sa unang araw ng regla. Hayaan lang muna, obserbahan sa susunod na buwan. Kapag may problema, mag-patingin sa Gynecologist.
Doc Heal, matagal na itong sipon at ubo ko, mahigit isang buwan na. Nagpa-checkup na ako at binigyan ako ng antibiotic pero bakit hindi pa rin po ako gumagaling. Pati anti-allergy binigyan din ako for 2 weeks, pero heto at may sipon at ubo pa rin ako. Ano po ba ang pneumonia? hindi kaya pneumonia na ito? — Leah V. Quezon City
Ang PNEUMONIA o PULMONYA ay isang malalang impeksyon sa baga at apektado na pati mga AIR SACS. Delikado ito dahil hindi ka na makakahinga lalo na kung kabilaan. Madalas nagpapakita ito sa pamamagitan ng ubo, lagnat at hirap sa paghinga. Makukumpirma ang PULMONYA kapag pinakinggan ng doktor ang baga at gawan ng CHEST X-RAY.
Marahil ang iyong sakit ngayon ay malayo pa sa Pulmonya. Kailangan mo lang ng MUCOLYTIC/EXPECTORANT gaya ng GUAIAFENESIN at CARBOCYSTEINE. Uminom ng maraming tubig at Vitamin C.
Good morning, Doctor Heal, ask lang ko if ang myoma ay tumor sa matris? Maari bang malunasan ito? Ito ba ay nakakamatay? Ano po ba ang dahilan ng myoma? Paano nakuha sakit na ito? — …0277
Opo, tumor sa matris. Ngunit hindi kanser. May lunas at hindi ikinamamatay yan. Tumutubo na lang ng kusa ang mga tumor. Ang mga tumor, “mutation” ang dahilan.
Good morning, doc. Tanong ko lang po, meron po kasi akong maliit na bukol sa suso, pero nang magpakunsulta ako sabi po ng doktor ay fiber breast cancer daw.Sakit din po ba yun? o kanser? At pano ko ba iyon malulunasan? — Jacquiline, 25, Tacloban City, …8567
Sakit ang FIBROCYSTIC DISEASE at lalo na ang breast cancer. Kailangan matanggal ang bukol at kailangn ding ma-biopsy para mabigyan nang nararapat na lunas.
Doc, ano po ang meaning ng probiotics at anp ang ginagamot nito? Maraming salamat. Ingat lagi. — …9470
Ang probiotics ay mga mikrobyo (Good bacteria gaya ng Lactobacilli) na nagpapaayos ng balanse ng mga organismo sa bituka. Makukuha mo ito yogurt, yeast at mga diet supplements. Nakakabawas din ng diarrhea dahil sa antibiotic.
Nakakatulong din itong mag-prevent ng vaginal yeast infection at urinary tract infection. Nakagagaling din ng irritable bowel syndrome. Nakakaiwas din sa posibleng pagtama ng bladder cancer. Nakakatulong din sa paggamot sa eczema sa mga bata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.