Power rate hike ipinagtanggol ni Sen. Osmena
WALA pa umanong nakikitang sabwatan si Senador Sergio Osmeña III sa pagitan ng mga power producers hinggil sa P4.15 kada kilowatt hour na dagdag singil sa kuryente ng Manila Electric Company.
Sa inisyal na assessment ng Senate committee on energy sa isinagawang pagdinig tungkol sa pagtaas, sinabi ng chairman nito na si Osmeña na wala pa silang nakukuhang ebidensiya na makapagtuturo na meron ngang sabwatang nagaganap sa pagitan ng mga power producers.
“Yeah, kasi wala namang cross-ownership e. Ikaw ang kikita, hindi ako,” ayon kay Osmeña nang tanungin ng reporter matapos ang pagdinig kung meron siyang nakikitang sabwatan sa mga power producers na sunud-sunod na nag-shut down ng kanilang operasyon, dahilan para itaas ng Meralco ang singil nito sa mga consumer.
“You will shut down your bus, so that I can run my jeepney? I don’t think it makes sense. Now, if you also own the jeepney, baka (then maybe there is collusion),” dagdag pang paliwanag ni Osmeña.
Gayunman, iginiit ni Osmeña na hindi pa talaga nila isinasantabi ang mga balitang merong sabwatan.
“No. I’m saying that as far as I see now, there’s still no proof of collusion. It might turn up next week, it might turn up in the investigation of the Department of Energy but I, myself, do not see any collusion at this stage yet and I’ve been looking for it.”
Ibinasura rin ni Osmeña ang panukala ni Senate Pro Tempore Ralph Recto na huwag munang ipatupad ang power rate hike habang iniimbestigahan pa ang isyu.
“I don’t like all these amateur proposal because we have to study the experience of other countries, nangyari na ito sa kanila.Let’s see how they work it out,” giit pa ni Osmeñ
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.