Salamat sa Aksyon Line | Bandera

Salamat sa Aksyon Line

Lisa Soriano - December 18, 2013 - 03:00 AM

DEAR Aksyon Line:

Muli po akong sumulat sa Aksyon Line dahil gusto ko pong magpasalamat sa tulong ninyo at ng Social Security System o SSS dahil nakuha na po namin ang tamang amount ng pension ng tatay ko nang magpunta kami sa bangko dahil po sa payo ng SSS.

Pero sa ngayon po ay naguguluhan naman kami dahil may mga nagsasabi po na dahil buwan lamang ng Oktubre 16 nang magsimula ang pension ng father ko ay wala daw pong matatanggap na 13th month pay o kaya po bonus.

Kaya po muli akong sumulat sa Aksyon line dahil gusto kung itanong kung may makukuha po ba na 13th month o bonus ang tatay ko at kelan po eto maaaring matanggap.

Malaking tulong po eto sa amin para kahit papaano o kahit kaunti ay may maipanghanda kami sa Noche Buena ngayong Pasko.

Muli po ang aming pasasalamat sa mga bumubuo ng Aksyon Line dahil marami po kayong natutulungan at sa SSS kay Ma’m May Rose Francisco.

Eto po ang name ng father ko Ernesto Velasco, SSS no. 033-1909443.

Nagpapasalamat,
Clara Velasco
daughter
of Ernesto Velasco

REPLY: Ito ay ukol sa sulat ni Ms. Clara Velasco kung saan tinatanong niya kung makakakuha ng 13th month pension ang kanyang father na pensionado ng SSS.

Ayon sa aming records, nakapag deposit na ang SSS sa account ni Mr. Ernesto Velasco ng pension para sa December 2013 kasama ang 13th month pension. Mapapansin ni Mr. Velasco na nadoble ang halaga ng pension na idineposito ng SSS.

Pinapayuhan namin si Mr. Velasco na tingnan sa kanyang account sa bangko kung na-reflect na ng banko ang dineposit naming December at 13th month pension niya.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni Ms. Clara Velasco.

Salamat sa inyong pa-tuloy na pagtitiwala.

Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending