Paulo Avelino hari ng kaechosan, gamit na gamit ang anak
Para ma-promote lang ang toprated serye niyang Honesto sa ABS-CBN, medyo OA lang ang statement nitong si Paulo Avelino na sobrang missed na niya ang pakikipag-bonding daw sa family niya – referring to LJ Reyes and their lovechild.
Ngayon pa ba, Paulo? Kung natatandaan mo pa – I’m sure OO naman – hindi mo pa naman siguro nalilimutan kung ilang members of the press ang binarubal mo tuwing natatanong ang tungkol sa pamilya mo lalo na sa anak mo – na kung puwede lang ay ilihim mo ito till the end of time.
Ngayon ay sa bibig mo na nanggaling ang statement tulad nito? What do you know about missing a family kung nagawa mong ilihim sila for the longest time, aber?
Nakakaloka, di ba? Para masabi lang na honest siya and within his character sa serye niya ay kaya na niyang sabihing “I miss my family nang sobra-sobra”. Ha? Really lang ha.
Itanong mo kaya kay Odie Jose ng The Buzz kung paano mo siya nabastos nang natanong ka niya noon regarding your child.
Kung paano mo raw sinira ang taped interview na iyon dahil ayaw na ayaw mong mapag-usapan ang private life mo.
Komedyante ba itong si Paulo? Parang hindi naman, di ba? Ano ba namang klaseng mga artista ito? Daming kaeklayan sa buhay.
OK – dapat pala ay at their convenience lang puwedeng sagutin ang mga tanong about them. Puwede naman iyon eh, pero sana naman ay hindi rude sa mga nagtatanong dahil nagtatrabaho lang naman ang mga ito.
Now, who will buy your kaechosan, sige nga? Na-miss mo ang anak mo? Ready ka na ba by now na pag-usapan ang tungkol sa baby?
Huwag naman sana silang gamitin para mai-promote lang ang character niya sa kaniyang serye – or pa-pogi points sa audience – or para palabasing matinong ama sa mata ng mga tao.
Bakit hindi na lang niya panindigan ang kahambugan niya at huwag sagutin ang anything about his privacy tulad ng palagi niyang sinasabi noon, di ba?
Daming kaeklayan talaga sa mundo namin. Walang katulad. Sumasabay sa kasablayan ng politics. Akala siguro ni Paulo ay makakabola siya ng madlang people.
Ill-advised nga ang taong ito, kung sino ba talaga siya sa totoong buhay ay hindi natin batid. Lalo lang tayong nalito tuloy. Anyway, kaniya-kaniya lang namang diskarte sa mundong ito.
Who are we to judge anyway? Next case please. Ha-hahaha!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.