ER Ejercito, Vilma biktima ng maruming politika sa Pinas | Bandera

ER Ejercito, Vilma biktima ng maruming politika sa Pinas

Jobert Sucaldito - December 14, 2013 - 03:00 AM


ANG pulitika talaga natin ay napakarumi – mas marumi pa sa dumi ng tao, just to be blunt about it. Ibang klase kung paandarin ng kasalukuyang administrasyon ang kanilang makinarya – pag meron silang hindi gustong personalidad, kesehodang masuong sila sa kahihiyan ay gagawin nila ang paninira sa mga ito basta ba makakurot lang.

Nakakalungkot isiping parang wala nang liwanag na naghihintay sa atin sa administrasyon nitong si P-Noy. Damang-dama ko na ang dilim sa kapaligiran pero pilit ko na lang pinaliliwanag gamit ng isang lampara mula sa langit.

Oh di ba, parang si Nanay Cristy Fermin lang ang nagsasalita. Ha-hahaha! Seriously speaking, nakakapanghina ang bulok na style ng pamahalaang ito lalo na sa pinaggagawa nila sa mga di nila kaalyado.

A few months ago ay pinag-initan ng Comelec si Laguna Gov. ER Ejercito dahil sa sobrang laki ng lamang nito laban kay Egay San Luis na bata ni P-Noy noong nakaraang eleksiyon.

Tinayming nilang maglabas ng desisyon on the disqualification case kay Gov. ER on a cheap “overspending” issue the day after mag-privilege speech si Sen. Jinggoy Estrada that dirctly hit this government.

Ang pobreng si Gov. ER, dahil pinsang-buo nito si Sen. Jinggoy, ang siyang ginamit nilang easy target for a demolition job. Walang nagawa si Gov. ER but to file a motion for reconsideration on the said decision na siyang dinidinig pa ng korte.

Nitong mga nakaraang araw naman ay sobrang napapahiya ang pamahalaang Aquino dala ng nasuungang kontrobersiya ng best friend nitong si DILG Sec. Mar Roxas laban sa alkalde ng Tacloban na si Alfred Romualdez.

Kung bakit kasi sa gitna ng kasagsagan ng bagyong Yolanda that time ay meron pang sinabi si Roxas na “alalahanin mong Romualdez ka at ang pangulo natin ay Aquino” that directly sent a message na hindi nga magkaalyado ang dalawang apelyidong ito and something must be done or else…yung parang ganoon.

Kahit sabihin pa ni Roxas na wala siyang malisya sa pagkasabi noon – na iba ang kaniyang nais tumbukin when he said that ay malinaw na meron talaga silang agenda against the opposition.

Ang malas naman niya ay naging sobrang viral ang statement niyang iyon na siyang ikinasira niya nang tuluyan sa taumbayan.
Kasi naman, hindi na lang tumulong sa mga nasalanta – may nalalaman pang mga anggulo ng Romualdez-Aquino – moment na nga sana iyon for them na luminis at bumango ang kanilang mga kapalpakan sa pamamahala sa bansa – kaso, hindi ginamit nang maayos ang mga utak kaya nabokya tuloy.

Kasabay pa nito ay ang isa-isang pag-resign ng mga cabinet secretaries nila na siyang nagdagdag alarma sa pagbagsak ng satisfactory ratings ng pangulo.

And their next issue para ma-divert ang attention ng mga tao sa tuluyang pagkasira ni Roxas ay ang paglabas na naman ng order na pababain sa puwesto ang may 422 public officials dahil sa pagkabigo raw ng mga itong isumite sa Comelec ang kanilang SOCE (Statement of Contribution and Expenditures) after the elections.

Ang dalawang biktima mula sa hanay natin sa showbiz ay sina Laguna Gov. ER Ejercito and Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.
“Matagal na tayong nakapag-submit, kumpleto kami sa papeles na naisumite sa kanila kaya wala akong dapat ikabahala,” ani Gov. ER nang usisain namin.
At dinig din namin ay nakapag-submit na rin si Vilma Santos kaya pumalag din daw ang kampo nito. Kaya ang malaking tanong ng mga in-the-know ay “ano na namang gimik ito ng pamahalaang Aquino?

Para i-divert ang isyu ni Mar Roxas dahil labis na itong napapahiya? Ano ba namang bansa ito, napakabaho na talaga ng style nila. Mahirap na silang pabanguhin.

Taeng-tae na talaga. OA na sa pangangamoy. Hay naku, sabi ko nga, hayaan na lang ang mga lolo ninyo, mag-concentrate na lang sa ating MMFF entry na “Shoot To Kill: Boy Golden” with KC Concepcion sa direksiyon ni Chito Roño.

Kung buhay pa sana sina Asiong Salonga at Boy Golden, baka may kinalagyan na ang mga hunghang sa pamahalaang ito.
“Tama! Dito na lang tayo mag-focus sa ‘Boy Golden’.

May tamang panahon para harapin ang mga isyung yan, lalo na sa akin. Mahal na mahal talaga nila ako. Ha-hahaha!” ang ayaw na lang mabuwisit na si Gov. ER.

“Basta trabaho lang tayo nang trabaho. Bahala na ang mga abogado nating humarap sa mga legalidad ng isyung ipinupukol nila sa atin,” dagdag pa ni Gov. ER.

Tama! Kasi nga, pag pinatulan mo pa ang inutil na pamahalaang ito ay wala ka talagang maa-achieve. Magaling lang sila sa dakdakan, sobrang hina naman sa aksiyon.

Kay tagal naman kasi ng 2016, inip na inip na kaming makaalis sa puwesto si Noynoy Aquino. Sana ay mapalitan na ang pangulo natin, nakakapagod na ang style ng governance niya.

Kaya mga bata, uulitin ko muna ang sinabi ni Sec. Mar Roxas, “Bahala na kayo sa mga buhay ninyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending