
DUMISTANSIYA si Vice President Sara Duterte sa naging pagpapalit ng liderato sa Senado kahapon.
Aniya ang nangyari sa naging sesyon sa Senate ay desisyon ng mga senador at ito ay dapat irespeto.
“So kung ano yung kalabasan ng kanilang botohan, ay desisyon yun ng karamihan ng kanilang botohan ay desisyon yun ng karamihan ng kanilang mga miyembro,” sabi ni VP Sara.
Sa boto ng 13 na senador, naalis bilang Senate President si Sen. Vicente “Tito” Sotto III at pinalitan siya ni Sen. Alan Peter Cayetano.
Ilan sa mga sumuporta sa kudeta laban kay Sotto sina Sens. Imee Marcos, Bato dela Rosa, Bong Go at Robin Padilla, pawang kinikilalang kaalyado ng pamilya Duterte.
Samantala, nagbigay din ng pahayag si Duterte sa pagtatangka ng mga otoridad na arestuhin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa muli nitong pagpasok sa Senado kahapon kaugnay ng war on drugs na ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Mali ‘yan. Tulad ng ginawa nila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, mali din yun,” ani VP Sara.
“Dahil ang isang warrant of arrest galing sa labas ng Pilipinas, hindi issued by a Philippine court,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
